PASAY CITY, Philippines — Naniniwala ang United Nationalist Alliance (UNA) na hindi lahat ng Pilipino ay naniniwala sa paninira sa Pangalawang Pangulo dahil sa nakikitang mainit na pagtanggap ng mga tao sa kanya sa mga probinsya.
Nagpasalamat naman ang kampo ni Vice President Binay sa mahigit na 30,000 dumalo sa proclamation rally nito sa Mandaluyong City.
Pahayag ni Sen. Nancy Binay, “Nakikita namin na kahit patuloy yung batikos sa amin eh nandyan pa rin ho sila na sumusuporta sa pamilya namin.”
Ayon pa kay Senador Binay, ang Team UNA ay magtutungo sa Makati sa pagsisimula ng kampanya sa local level.
Samantala, umaasa si Liberal Party Vice Chairman Franklin Drilon na pipiliin ng mamamayan ang magtutuloy ng daang matuwid ng administrasyong Aquino.
Dagdag pa nito, hindi pa nakalilimutan ng mga mamayan ang naranasang pagdurusa sa mga nakaraang administrasyon na hindi na dapat maulit pa.
“We will activate our machineries in grass roots. We have so many of a Liberal Party governors, congressman and mayors who are unopposed and therefore we will activate them,” pahayag ni Sen. Drilon.
Sa kasalukuyan ay nagsisimula ng mag-ikot na sa iba’t-ibang bahagi ng bansa ang mga kandidato upang mailatag ang kanilang magagawa kapag nahalal sa darating na eleksyon. (BRYAN DE PAZ / UNTV News)
The post UNA, naniniwalang hindi nagbago ang suporta ng taumbayan kay VP Jejomar Binay appeared first on UNTV News.