MANILA, Philippines – Inapurubahan na ng Department of Education (DepED) ang tuition increase ng ilang pribadong paaralan sa elementarya at sekondarya sa Metro Manila ngayong school year 2013-2014.
Five to 10% tuition increase ang pinahintulutan ng kagawaran ngunit karamihan sa mga ito ay magtataas lamang ng anim na porsyento.
Isa sa isinaalang-alang ng DepED sa pagdedesisyon ng tuition increase ay ang budget ng paaralan kung saan malaking bahagi nito ay mapupunta sa salary increase ng mga guro.
Tiniyak naman ni Secretary Luistro na nagkaroon ng konsultasyon bago inaprubahan ang tuition increase. (UNTV News)