MANILA, Philippines – Tuloy ang pagbubukas ng klase sa June 3 sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Pablo.
Ito ang tiniyak ng Department of Education (DepED).
Sinabi ni DepED Secretary Armin Luistro na sa mga itinayong tent muna pansamantalang magkaklase ang mga estudyante habang ginagawa ang mga gusali.
Samantala, naghahanap pa rin ang kagawaran ng mga lugar na pagtatayuan ng mga bagong eskwelahan. (UNTV News)