PASAY CITY, Philippines — Humarap sa media si outgoing Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Albert Del Rosario.
Dito, naging emotional si Del Rosario nang kumpirmahin ang kanyang resignation.
Ipinahayag din nito ang mga achievement ng departmento pagdating sa pagpapatupad ng foreign policies tulad ng pagtulong sa mga OFW at ang pag-aksyon nito sa West Philippine Sea dispute sa mapayapang paraan.
Sa ilalim ng pamumuno ni Del Rosario sa DFA, naihain ang arbitration case ng Pilipinas laban sa china hinggil sa pinag-aagawang teritoryo sa West PHL Sea.
Sa kanyang pag-alis umaasa si Del Rosario na maipagpapatuloy ang mga polisiyang ito.
“It is my hope that this principled foreign policy will be embraced by the next admin because it’s a total protection of the national interest.”
Sa Marso ay epektibo na ang kanyang resignation.
Tumanggi naman itong banggitin kung sino ang nirekommenda kay Pangulong Aquino na papalit sa kanya.
Nilinaw din ni Del Rosario na halos tapos na lahat nang kailangan gawin ng DFA kaugnay ng kasong isinampa ng bansa laban sa China sa West Philippine Sea dispute kaya hindi na maapektuhan ng kanyang pag-alis ang naturang kaso.
Kung may kailangan pang ayusin kaugnay nito, handa naman ang iba pang kinatawan ang DFA na gawin ito.
Gayunpaman, umaasa sya na bago mag Mayo ay maglalabas na ng desisyon ang arbitral court kaugnay ng kasong isinampa ng Pilipinas laban sa China.
“We want to discuss freedom of navigation. We want to look at the island-building as well as the question of de facto isles and arbitration.”
Inihayag din ni Del Rosario na may mga pag-uusap na planuhin ang pagsasagawa ng isang South China Sea Claimants Meeting sa ASEAN Foreign Affairs Summit nagaganapin naman sa China. (DARLENE BASINGAN / UNTV News)
The post Sec. Albert del Rosario, pormal nang nagpaalam sa DFA appeared first on UNTV News.