MANILA, Philippines — Pinag-aaralan na ngayon ng Office of the President ang draft ng executive order kaugnay ng pagtataas sa sahod ng mga government employee.
Ayon kay Presidential Communication Operation Office Secretary Sonny Coloma, batay sa impormasyon na galing kay Executive Secretary Paquito Ochoa, ang draft executive order na inihanda ng Department of Budget and Management o DBM para sa implementasyon ng 1st tranche ng salary increase ng mga government employee ay under review na ng legal staff ng Office of the President.
“According to Executive Secretary Ochoa, the draft executive order prepared by the DBM on the implementation of the first tranche of salary standardization for government employees, as provided for in the 2016 GAA, is now undergoing review by the OP legal staff,” pahayag ni PCOO Sec. Sonny Coloma.
Ang naturang rekomendasyon na inihanda ng DBM ay bunsod sa pagkabigo na maipasa ang proposed Salary Standardization 4 sa nakaraang sesyon ng kongreso. (NEL MARIBOJOC / UNTV News)
The post Draft ng E.O. upang maitaas ang sahod ng mga government employee, pinag-aaralan na — Malacañang appeared first on UNTV News.