MANILA, Philippines — Sa Hunyo sisimulan na ang pagtatayo ng pinakamalaking private-public partnership project ng pamahalaan, ang LRT 1 Cavite Extension.
Nasa 11.7 kilometer ang madadagdag sa existing LRT 1 na magmumula sa Baclaran hanggang sa Brgy. Niyog sa Bacoor, Cavite.
Kung dati ay inaabot ng dalawang oras ang biyahe ng bus mula sa Bacoor, Cavite hanggang sa Baclaran, sa kompyutasyon ng LRMC o Light Rail Manila Corporation kapag natapos ang line extension ay aabutin na lamang ng 40 minutes, malaking tulong para sa mga kababayan nating taga-Cavite.”
Ang biyahe naman mula Bacoor hanggang Roosevelt sa Quezon City ay aabutin lamang ng isang oras kumpara sa halos tatlong oras na biyahe kapag sumakay ng bus.
Pahayag ng commuter na si Vangie Peleño, “Mabilis ang pag-uwi at tsaka sa mga daladalahan nakakaginhawa kasi nailalapag ng maayos. Hindi na ko mag bus. Mahirap mag bus, eh. Nadidisgrasya.”
Rekomendasyon naman ni Aling Antonia Mejia, “Train po, walang trapik.”
Sa ngayon ay mayroong 400,000 na commuter ang LRT 1 araw-araw, madadagdagan ito ng 300,000 kapag nakumpleto na ang konstruksyon ng extension.
Walong istasyon ang madadagdag sa LRT Line 1, ang Aseana, MIA, Asia World, Ninoy Aquino, Dr. Santos, Las Piñas, Zapote at Niyog Station.
Bago maitayo ang mga istasyon, kailangan munang ayusin ng LRMC ang problema sa right of way dahil mayroong mga pribadong pag-aari ang tatamaan ng construction.
“We can start construction when the right of way for section 1 has been delivered to us,” ani LRMC President Chito Francisco.
Nakatakda naman na magtaas ng pasahe ang LRT 1 kada dalawang taon kapag natapos ang mga improvement project.
Ayon sa LRMC hindi magkakaroon ng problema sa bilang ng mga tren kapag natapos ang extension, mayroong 88 na tren ang LRT 1 at madadagdagan pa ito ng 30 sa taong 2017.
Aminado ang LRMC na nagkakaroon din sila ng problema katulad ng nangyayari sa MRT 3 subalit kumpara sa public sector, mas mabilis ang trabaho ng mga nasa pribadong sector.
“The key really is, as the private sector were a little less constraints when it comes to procurement to sourcing of spare parts and even in terms of resources we hope that we have a little more resources than public sector to bring the service to a level a Filipino commuter deserves,” sabi ni LRMC Chief Development Officer Noel Kintanar.
P24-billion ang kabuuang halaga ng proyekto na ni-loan ng LRMC sa mga bangko. (MON JOCSON / UNTV News)
The post Konstruksyon ng LRT 1 Cavite Extension, uumpisahan na ngayong taon appeared first on UNTV News.