Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Unang presidential debate, isinagawa sa Cagayan de Oro City

$
0
0
Ang limang presidentiables na lumahok sa debate sa Cagayan De Oro City nitong Linggo, February 21, 2016. Mula kanan pakaliwa: Vice President Jejomar Binay, Davao City Mayor Rodrigo Duterte,  Senator Grace Poe, former DILG Sec. Mar Roxas at Senator Miriam Defensor Santiago.  (UNTV News)

Ang limang presidentiables na lumahok sa debate sa Cagayan De Oro City nitong Linggo, February 21, 2016. Mula kanan pakaliwa: Vice President Jejomar Binay, Davao City Mayor Rodrigo Duterte, Senator Grace Poe, former DILG Sec. Mar Roxas at Senator Miriam Defensor Santiago. (UNTV News)


MIZAMIS ORIENTAL, Philippines —
Nagsimula ang debates sa opening statements ng bawat kandidato sa loob ng 60 segundo.

Sa Round 1, tinalakay ang track records at mga isyung kinakaharap ng bawat kandidato. Naging highlight sa round na ito ang pagtatanong ni Sen. Miriam Santiago kay Vice President Jejomar Binay kung kelan nya namana ang mga ari-arian na ayon kay Binay ay mula sa kanyang mga magulang.

Kung ito ba ay bago pa ba sya manungkulan o pagkatapos pa niyang mahalal sa Makati ayon naman kay Binay magkahalong mana at mula sa hanapbuhay nila ng kanyang asawa bilang abogado at doktor.

Sa round na ito, parehong pinuri ni Mayor Duterte at Sen. Santiago ang isa’t isa. Sinabi ni Duterte na mukha naman daw malusog ang senadora at mabubuhay pa sa loob ng 20 taon. Sagot naman ni Santiago, lahat ng kandidato ay may kapintasan sa usapin ng korapsyon maliban lamang kay Mayor Duterte.

Sa round 2 naman tinalakay kung paano mapabubuti ng bawat kandidato ang kalagayan ng Pilipinas.

Dito inulit ni former DILG Sec. Mar Roxas ang kanyang layunin sa pagpapatuloy ng daang matuwid.

Samantalang tahasan namang sinabi ni Santiago na may mga kandidatong puro lamang pangako.

Sa round na ito rin unang nagkaharap ang mahigpit na magkatunggaling si Duterte at Roxas kung saan ang isyu naman ng pagpapabuti sa buhay ng mga mangingisda ang naging usapin. Ayon kay Roxas, murang pautang para sa mga ito ang sagot sa kahirapan ng mga mangingisda. Pederalismo para sa isang sustainable na pagbabago naman ang banat ni Duterte.

Sa pangatlo at panghuling round tinalakay ang plataporma ng bawat kandidato at binigyang daan ang mga isyung may pinakamaraming udyok mula sa mga netizens.

Dito ipinagtanggol ni Sen. Grace Poe ang kanyang sarili na bagama’t siya ang may pinakamanipis na credentials sa lahat ng presidentiables ay hindi naman daw nasusukat ang pagiging epektibong pinuno sa bilang ng mga taon na naninilbihan ka kung wala naman itong nagawa para sa bayan.

Nang matapos ang debate ay nagpaunlak naman ng interview sa mga mambabalitang nakaabang sa red carpet ang mga presidentiables maliban na lamang kay Vice President Jejomar Binay na hindi na nagpaunlak at agad agad ring umalis. (JOEIE DOMINGO / UNTV News)

The post Unang presidential debate, isinagawa sa Cagayan de Oro City appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481