BACOLOD, Philippines — Nirespondehan ng UNTV News and Rescue team ang lalakeng na hit-and-run pasado alas diyes ng Martes ng gabi sa Barangay Taculing, Bacolod City.
Ang biktima na kinilalang si Noel Gracia Vilches, 54-anyos, ay nagtamo ng bukol at sugat sa ulo at pananakit ng paa na agad namang nilinis at nilapatan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue Team.
Ayon sa biktima, pauwi siya sakay ng kanyang tricycle nang bigla na lang siyang salubungin at banggain ng humaharurot na kotse.
Sinabi naman naman ng nakasaksi sa aksidente na si “Tedy” agad na tumakas ang sasakyan.
Ani Tedy, “Pag kalabog, pagtingin ko sa labas nakita ko na ung tricycle na bumaliktad, pagkatapos nakita nung driver ng tricycle na hindi huminto ung driver ng auto.”
Samantala, matapos malapatan ng paunang lunas ang biktima ay dinala na ito ng UNTV Rescue sa Corazon Locsin Memorial Regional Hospital. (UNTV News)
The post Lalaking biktima ng hit-and-run sa Bacolod City, tinulungan ng UNTV News and Rescue appeared first on UNTV News.