Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Sen. Enrile, hindi dadalo sa EDSA People Power anniversary

$
0
0
FILE PHOTO: Noong ika-26 taon ng EDSA People Power Revolution noong Feb. 25, 2012, kasama ni President Benigno Simeon Aquino III na gumunita sina Vice President Jejomar Binay, former Presidents Fidel Ramos, Joseph Estrada at noo'y Senate President Juan Ponce Enrile. (Photo by Ryan Lim, Jay Morales / Malacañang Photo Bureau).

FILE PHOTO: Noong ika-26 taon ng EDSA People Power Revolution noong Feb. 25, 2012, kasama ni President Benigno Simeon Aquino III na gumunita sina Vice President Jejomar Binay, former Presidents Fidel Ramos, Joseph Estrada at noo’y Senate President Juan Ponce Enrile. (Photo by Ryan Lim, Jay Morales / Malacañang Photo Bureau).

PASAY CITY, Philippines — Hindi dadalo si Sen. Juan Ponce Enrile sa pagdiriwang ng ika-30 taon ng EDSA People Power Revolution.

Ayon sa dating defense minister, ang tunay na EDSA People Power ay nangyari noong February 22, 1986 na siyang araw na nagsimula ang demonstrasyon nila laban sa rehimeng Marcos.

“That is not my EDSA. Our EDSA is February 22nd, hindi ba? Ang sigaw ng mga katipunan ay yung ang sine-celebrate, hindi yung katapusan na makokoronahan na yung mga nakoronahan,” pahayag ni Sen. Juan Ponce Enrile.

Para sa senador ang February 25 ay araw kung saan nagpapahinga na sila.

Ayon kay Enrile ang diwa ng EDSA ay nauwi sa bula sa pagpasok ng sumunod na administrasyon.

“It was a bubble. Evaporated. And it created a problem because the incoming government, put all kinds of structures, political and economic and, so forth, that is now creating this havoc into the country.”

Sa kabila nito, nangako ang beteranong senador na ipagpapatuloy nito ang kanilang malasakit sa bansa.

Kasama ni Enrile sa kudeta laban kay Presidente Marcos ang noo’y si Lt. Col. Gregorio ‘Gringo’ Honasan na nanguna sa Reform the Armed Forces Movement (RAM).

Para kay Honasan, sa pamamagitan ng EDSA People Power, napatunayan na ang pagbabago ay magagawa kung nagsasama-sama, ngunit hindi ito magagawa sa sandaling panahon lamang.

“So ngayon, 30 years after yung iba nababagalan, yung iba nadidis-appoint pero kami noon as members of the reformed movement which broke away from administration then. Wala naman nagsabi sa amin noon na magiging madali,” pahayag ni Sen. Gringo Honasan.

Inaasahan naman ni Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang pagbuhay sa isyu sa Martial Law. Ngunit ayon ng senador, ayaw na niyang magpahayag pa ukol sa mga pangyayari noon.

“Eh tapos na yun, eh, hindi na natin… actually, ang iniisip namin talaga kung ano ang gagawin ngayon,” pahayag ng anak ni dating Pangulong Ferdinand Marcos. (BRYAN DE PAZ / UNTV News)

The post Sen. Enrile, hindi dadalo sa EDSA People Power anniversary appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481