Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Korte Suprema, pinigil ang pagpapalabas ng natitirang PDAF para sa taong 2013

$
0
0
Nitong Martes, sa boto ng 15 mahistrado ng Korte Suprema, ipinatitigil ang pagre-release ng natitira pang pork barrel na nakapaloob sa 2013 national budget. (UNTV News)

Nitong Martes, sa boto ng 15 mahistrado ng Korte Suprema, sa pamamagitang ng isang TRO ipinatitigil ang pagre-release ng natitira pang pork barrel na nakapaloob sa 2013 national budget. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Pinigil ng Korte Suprema ang pagpapalabas ng natitira pang Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng mga mambabatas na nakapaloob sa 2013 national budget.

Isang temporary restraining order ang inisyu ng Supreme Court at pinagbabawalan ang Department of Budget and Management (DBM), National Treasurer at Executive Secretary na magpalabas pa ng pondo mula sa pork barrel ng mga senador at kongresista.

Sakop din ng TRO ang release ng Malampaya funds.

Ayon kay Supreme Court Spokesperson Atty. Theodore Te, papayagan lamang ang pagpapalabas ng pondo ng Malampaya kung gagamitin ito para sa energy resource development and exploitation programs at mga proyekto ng gobyerno.

Base sa datos ng DBM, P24.79 billion ang nakalaan sa PDAF ng mga mambabatas ngayong taon, P11.58 billion dito ang nai-release na, habang P13.21 billion pa ang natitira.

Bukod sa inilabas na TRO, inatasan din ng korte ang senado, kamara at opisina ng pangulo na sagutin ang inihaing mga petisyon sa loob ng sampung araw.

Nagtakda rin ang Supreme Court ng oral arguments sa October 8 upang talakayin ang kaso.

Tatlong magkakahiwalay na petisyon ang nakahain ngayon sa Korte Suprema na humihiling na ideklarang labag sa saligang-batas ang sistema ng pork barrel at tuluyan na itong i-abolish.

Kabilang sa mga petitioner ang natalong senatorial candidate na si Greco Belgica, Social Justice Society at si dating Boac, Marinduque Mayor Pedrito Nepomuceno.

Samantala, iginagalang naman ng Malakanyang at ng mga mambabatas ang inilabas na TRO ng Supreme Court.

Ayon kay Sen. Chiz Escudero, “May TRO man o wala, naka-hold na sa amin.”

“We will abide to the SC TRO,” pahayag naman ni Senate Pres. Franklin Drilon.

Ayon naman kay ABAKADA Party-list Rep. Jonathan Dela Cruz, “OK lang na i-TRP basta ma-address yung scholarships kasi magpa-finals na ngayon.”

Magugunitang una nang sinuspinde ng Palasyo ang pagpapalabas ng pork barrel ng mga mambabatas. (Roderic Mendoza / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481