DAVAO CITY, Philippines — Ipinahayag ni Atty. Ben Joseph Tesiorna ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region XI sa press conference nitong Miyerkules na walang katotohanan ang paratang na may cartel ng illegal na droga dito sa lungsod ng Davao.
Pahayag ni PDEA Region 11 Representative Atty. Ben Joseph Tesiorna, “There is no such thing as drug cartel dito sa Davao. Although, merong mga grupo who are trying to penetrate Davao City.”
Noong nakaraang araw ng Linggo, sa operasyon ng PDEA sa checkpoint sa Toril, nahuli ang isang mag-asawa na nasa aktong pagpupuslit ng humigit kumulang 50 gramo ng shabu sa lungsod.
“This couple belong to a drug group but it is not based in Davao City. They are considered as high-value targets,” ani Atty. Tesiorna.
Dagdag pa ng kinatawan ng PDEA, bagama’t meron pa ring kasong may kaugnayan sa illegal drug activities na naiuulat sa lungsod, ito ay ‘moderate to minimal’ kung ihahambing sa ibang mga rehiyon.
Sa huli ay nagpapasalamat si Tesiorna sa pwersa ng pulisya at militar sa pagdagdag ng kanilang pwersa sa paglaban kontra droga. (JOEIE DOMINGO / UNTV News)
The post Walang cartel ng illegal drugs sa Davao City o Mindanao — PDEA Region 11 appeared first on UNTV News.