CEBU CITY, Philippines — Pasado alas-9 ng umaga nang magsimulang magtipon ang mga miyembro ng Bayan Central Visayas upang magsagawa nga ng kilos protesta.
Isinagawa ang demonstrasyon kasabay ng paggunita sa ika-tatlumpung taon ng EDSA Uno o People Power Revolution.
Kasama rin sa nagsagawa ng protesta ang grupong PISTON, ANAKBAYAN at AKBAYAN.
Layunin ng grupo na tuluyang mawaksi sa bansa ang diktatoryang Marcos at ipanawagan sa pamahalaan na labanan ang korupsyun.
Nais din ng mga ito na matigil ang kahirapan, panggigipit sa mamamayan at pagsikil sa karapatang pantao.
Pahayag ni Bayan Central Visayas Chairman Jaime Paglinawan, “Atung ipaabot pud sa katawhan nga traynta ka tuig human ang EDSA, sa amung tan-aw padayun gihapun ang dunut nga sistema ug padayun gihapun ang pakigbisug alang sa tinuod nga kagawasan ug demokrasya.”
(Iparating rin sa mga tao na tatlumpung taon na matapos ang EDSA I, sa aming palagay ay patuloy pa rin ang pangit na sistema at patuloy pa rin ang pakikibaka sa tunay na kalayaan at demokrasya.)
Samantala, may iilang mga pulis na nakaantabay sa lugar upang magbantay at masigurong walang sinomang masasaktan sa isinasagawang demonstrasyon. (GLADYS TOABI / UNTV News)
The post Ilang mga Cebuano, nagsagawa rin ng rally kasabay ng paggunita sa EDSA I appeared first on UNTV News.