Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mga bata sa bahay ampunan na nasa pangangalaga ng DSWD, makakauha na ng PhilHealth benefit

$
0
0
DSWD Sec. Dinky Soliman (UNTV News)

DSWD Sec. Dinky Soliman (UNTV News)

MANILA, Philippines — Mahigit sa dalawang libong bata na kinukupkop sa mga ampunan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang maari ng mag-avail ng mga benepisyong pangkalusugan mula sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ito’y matapos na lagdaan ang isang memorandum of agreement, kung saan ie-enroll ng DSWD sa PhilHealth ang mga bata sa kanilang mga ampunan para magkaroon ng health benefits.

Pahayag ni DSWD Sec. Dinky Soliman, “Karaniwan kasi pag meron silang sakit o dumating sa amin na may sakit, kami ang nagbabayad at nag-aalaga…tuluy-tuloy naming aalagaan yun. That means, yung aming pondo ng institutions, malaki yung pondo na napupunta sa kalusugan o sa medical, yung PhilHealth na ang sasagot. Naka-rehistro sila, at ang PhilHealth na ang magbabayad ng gastusin both on medical treatment at gamit.”

Sa ilalim ng kasunduan, babayaran ng DSWD ang annual PhilHealth premium na nagkakahalaga ng 2,400 pesos ang bawat isa.

Sa kabuoan tinatayang nasa P5.7-M ang inilaang pondo sa naturang programa, kung saan nasa 2,375 na mga bata ang mabibigyan ng benepisyo.

Kabilang sa magiging benepisyaryo ng PhilHealth coverage ang mga batang ulila na sa mga magulang, mga batang inabandona at mga batang isinurrender sa DSWD.

Sa pamamagitan ng bagong programa, ang DSWD na ang kikilalanin o magsisilbing magulang ng mga batang ito, kung saan sila rin ang magce-certify kung ang isang bata ay talagang rehistrado sa isang ampunan.

Ang nasabing proyekto ay alinsunod pa rin sa Universal Health Care Program na kasalukuyang isinusulong ng administrasyong Aquino.

Sa kasalukuyan ay nasa animnapu’t-apat ang mga ampunang pinamamahalaan ng DSWD, at mahigit sa tatlumpu rito ay para sa mga bata.

Umaasa ang DSWD at ang PhilHealth na malaki ang maitutulong ng programang ito sa layunin ng pamahalaan na maabot ang Universal Health Care Program na inilaan para sa mahihirap nating mga kababayan na walang kakayahang makapagpagamot sa mga ospital. (JOAN NANO / UNTV News)

The post Mga bata sa bahay ampunan na nasa pangangalaga ng DSWD, makakauha na ng PhilHealth benefit appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481