Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mga binaklas na illegal campaign materials, ni-recycle na upang mapakinabangan

$
0
0
Ang Ecowaste Coalition sa pagpro-promote ng recycling sa mga nakumpiskang election campaign materials.

Ang Ecowaste Coalition sa pagpro-promote ng recycling sa mga nakumpiskang election campaign materials.

QUEZON CITY, Philippines — Mula sa mga illegal campaign materials na binaklas ng mga awtoridad, ini-recycle sa mga bagay na maaari pang mapakinabangan gaya ng multipurpose organizer na maaaring lagyan ng mga kalendaryo, mga libro, pamplets, at mga bill ng kuryente at marami pang iba.

Ito ang pinagkakaabalahan ngayon ni Aling Leticia, isang mananahi, upang magkaroon ng pagkakakitaan.

Mula sa mga tarpulin, ginawa niya itong apron, shopping bag, multipurpose organizer, laundry bag, mga lagayan ng papel at bote, ball bag, purse, bill organizer, tools belt at iba pa.

Ito ay maaaring ibenta ng 10-piso hanggang 100-piso depende sa laki at disenyo nito.

Ani Aling Leticia, “Malaking tulong at pwedeng magawang hanapbuhay at pwedeng makatulong sa pamilya natin kasi wala siya gagastusin kuryente at pagod mo lang.”

Ayon kay ECOWASTE Coalition Coordinator Aileen Lucero, ang mga tarpulin na ito ay ang mga binaklas na mga illegal campaign materials ng MMDA.

Ipinamamahagi nila ito sa kanilang mga partner organization upang magkaroon ang ng hanapbuhay ang ilan nating kababayan.

Ani Lucero, “Maraming gamit sa bagong anyo nitong mga tarpulin na ito dapat lang maging creative.”

Dagdag pa nito mas mabuting i-recycle ang mga ganitong materyales dahil hindi ito dapat na itapon o itambak sa mga dump site na maaaring makadagdag pa sa maruming kapaligiran at polusyon.

“Kung idadagdag pa natin itong nga tarpulin na ito, masyadong madami ng basura at magkakaroon ng chemical polution kasi pag tinapon ito sa dump site hindi ito naba-biodegrade.”

Paalala pa ng ECOWASTE, hindi dapat ang mga tarpaulin na gamitin na pambalot o paglagyan ng mga pagkain dahil nagtataglay ito ng kemikal na masama sa kalusugan ng tao. (GRACE CASIN / UNTV News)

The post Mga binaklas na illegal campaign materials, ni-recycle na upang mapakinabangan appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481