MANILA, Philippines — Hindi na hahanapan ng printed copy ng kanilang ticket ang mga pasahero sa mga airport sa kanilang paglabas o pagpasok sa bansa.
Ito ang ipinahayag ng Department of Justice at Bureau of Immigration.
Inalis ng DOJ at BI ang requirement na magpakita ng printed copy ng ticket upang mas mapadali ang access sa mga serbisyo ng gobyerno.
Sa halip ay maaari na lamang gamitin at ipakita ang mga electronic tickets sa pamamagitan ng mobile devices gaya ng smart phone at tablet. (UNTV News)