MANILA, Philippines — Nananatili ang posisyon ni Pangulong Aquino kaugnay ng hindi pagpayag sa heroes burial ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Ayon kay Presidential Communication Operations Office Secretary Herminio ‘Sonny’ Coloma Jr., ang desisyon na ito ng Pangulo ay base sa paniniwala niyang dapat manaig ang hustisya.
“President Aquino’s decision is based on his firm belief and conviction on the primacy of justice. The late President Marcos never apologized for the violence and oppression that characterized Martial Law and the dictatorship.”
Si dating Pangulong Marcos ay hindi anya humingi ng paumanhin sa nangyaring karahasan sa ilalim ng Martial Law.
Dagdag ni Coloma, kung ang susunod na pangulo ng bansa ay hindi naniniwala sa prinsipyong ito ni Pangulong Aquino at magdesisyon na payagan na ilibing sa Libingan ng mga Bayani si Marcos ay nararapat na maipaliwanag itong mabuti sa mamamayan.
“If the next president does not believe in the guiding principles upon which President Aquino decided not to allow the transfer of former president’s remains to Libingan ng mga Bayani, then he or she will have to justify that decision to the people.”
Lumabas muli ang usapin ng heroes burial ni dating Pangulong Marcos, matapos ang ginawang paglilipat ngayong araw sa labi ni dating Elpidio Quirino sa Libingan ng mga Bayani. (NEL MARIBOJOC / UNTV News)
The post Susunod ng pangulo ng bansa, dapat pag-aralang mabuti ang isyu sa heroes burial ni ex-Pres. Marcos — Malacañang appeared first on UNTV News.