Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Labi ni dating Pres. Elpidio Quirino, inilipat na sa Libingan ng mga Bayani

$
0
0
Ang paglilipat ng labi ng dating Pangulong Elpidio Quirino sa Libingan ng mga Bayani nitong Lunes, February 29, 2016 kasabay ng ika-60 taon ng kamatayan nito. Kasama ng pamilya ng dating Pangulong Quirino si Pangulong Benigno Aquino III sa seremonyang ito. (Malacañang Photo Bureau)

Ang paglilipat ng labi ng dating Pangulong Elpidio Quirino sa Libingan ng mga Bayani nitong Lunes, February 29, 2016 kasabay ng ika-60 taon ng kamatayan nito. Kasama ng pamilya ng dating Pangulong Quirino si Pangulong Benigno Aquino III sa seremonyang ito. (Malacañang Photo Bureau)

MANILA, Philippines — Ngayong araw ng Lunes ay ang ika-60 anibersaryo ng pagkamatay ni dating Pangulong Elpidio Quirino.

At sa araw ding ito inilipat na ang kanyang mga labi sa Libingan ng mga Bayani.

Alas-nueve nang kunin ang labi nito sa Manila South Cemetery kung saan ito nakalibing ng mahabang panahon.

Pinangunahan ng National Historical Commission of the Philippines at mga kaanak ng dating Pangulong Quirino ang paglilipat ng labi mula sa Manila South Cemetery.

Nagsasagawa rin ng funeral motorcade nagbigay-pugay rin ang ilang mga estudyante, guro at mga sundalo habang dumadaan ang funeral motorcade.

Pagdating nito sa Libingan ng mga Bayani, doon na pinangunahan ni Pangulong Benigno Aquino III, ang paglilipat ng kanyang libingan.

Binigyan rin si Quirino ng full-military honors.

Personal na hiniling ng mga kaanak ni dating Pangulong Quirino ang paglilipat sa kanyang mga labi bilang pagkilala sa mga nagawa nito sa bansa.

Pahayag ni Cory Quirino, “Yung burial po ni President Quirino and state funeral ay hindi kalaki o ganda sa binigay ni President Quirino noon kay President Roxas, that is why we are so happy that finally President Quirino has the burial respect and protocol that is due a president.”

Si Quirino ay nahalal bilang bise presidente noong 1946, subalit nang mamatay si dating Pangulong Manuel Roxas siya ang humalili bilang ika-6 na presidente ng Pilipinas sa edad na 66.

Kabilang mga naisabatas sa ilalim ng kanyang panunungkulan ay ang;

• Republic Act 602 o ang Minimum-Wage Law
• Repiblic Act 312 o ang Standardized Teacher’s Salary
• Pagbuo ng Social Security System at Central Bank of the Philippines
• Precursor ng Association of the South East Asian Nation o ASEAN.

Si Quirino ay natalo sa kanyang pagtakbo sa ikalawang termino laban kay dating Pangulong Ramon Magsaysay, at siya namatay dahil sa sakit sa puso.

“We were waiting until it reach the 60th year, we also celebrated his 125th birthday so nagka-join ung dalawa and President Aquino signed the executive order for both the birthday and the re-burial because all the Philippine president when they die, the remains belong to the country,” pahayag ng apong si Eduardo Quirino.

Maliban kay Quirino nakalibing rin sa Libingan ng mga Bayani ang mga dating presidente ng Pilipinas na sila Carlos P. Garcia at Diosdado Macapagal. (GRACE CASIN / UNTV News)

The post Labi ni dating Pres. Elpidio Quirino, inilipat na sa Libingan ng mga Bayani appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481