Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

PNP Responders, panalo kontra AFP Cavaliers sa Game 1 ng UNTV Cup Season 4 Finals

$
0
0
Kinuha ng PNP Responders ang unang panalo sa best of three series UNTV Cup Season 4 Finals sa pangunguna nina two-time UNTV Cup MVP 'The Sniper' Ollan Omiping at Harold Sta. Cruz. (PRINCE MARQUEZ / Photoville International)

Kinuha ng PNP Responders ang unang panalo sa best of three series UNTV Cup Season 4 Finals sa pangunguna nina two-time UNTV Cup MVP ‘The Sniper’ Ollan Omiping at Harold Sta. Cruz. (PRINCE MARQUEZ / Photoville International)

PASIG CITY, Philippines — Isang panalo na lamang ang kailangan ng PNP Responders upang makuha ang pinaka-aasam na kampeonato sa UNTV Cup Season 4.

Sa game one, ginamit ng Responders ang run-and-gun attack upang makuha ang mahalagang panalo, 84-80.

Sa third quarter, nagawang tambakan ng Responders ang Cavaliers ng dalawampung puntos ngunit naibaba ito sa 52-62 sa pagtatapos ng 3rd quarter.

Naibaba pa ito ng Cavaliers sa apat na puntos, 76-80, one minute and 46 seconds ang nalalabi sa fourth quarter at sa dalawang puntos, 80-82, sa pamamagitan ng put back ni Technical Sergeant Rolando Pascual, 30-segundo bago tumunog ang buzzer.

Nagkaroon pa sana ng pagkakataon ang Cavaliers na maitabla ang score ngunit sumablay si Winston Sergio nang masupalpal ni Harold Sta. Cruz, last 24 seconds ang nalalabi.

Nasiguro ng PNP ang panalo ng umiskor si Ollan Omiping sa pamamagitan ng easy layup na nagdala sa final score na 84-80.

Bago nito kaagad na kinontrol ng PNP ang laro at umabante ng thirteen points sa katapusan ng first quarter, 23 – 10.

Inangat pa ito sa labimpitong puntos ng Responders, 45-28 sa second quarter.

Tinanghal na Best Players of the Game sina PO3 Ollan “The Sniper” Omiping na may 28 points kabilang ang napakahalang dalawang three-point shot sa 4th quarter at Harold Sta. Cruz na may 20 points, pitong rebounds at tig-isang assist at steal.

Pahayag ni Omiping, “Yung sinasabi nilang old school na style sa basketball na gagamitin nila (AFP) sa amin, ginamitan namin sila ng run-and-gun. Ratratan eh. Kita nyo naman takbuhan kami ng takbuhan, may mga pangontra kami sa lakas ng katawan nila.”

Sambitla naman ni Sta. Cruz, “Worse comes to worst, kailangan ko mag-help sa dipensa specially sa mga small man namin. Kapag naiiwanan, kailangan ko talaga habulin at i-block, eh. Thanks God, nagawa ko naman.”

Ani AFP Coach Cornelio ‘Sonny’ Manucat, “We’ll bounce back, alam namin magpre-prepare sila. Pero mas mag-prepare kami sabi ko nga sa kanila noong season 2, ginawa na namin iyan eh, nung championship nung season 2 nanalo rin sila nung game 1.”

Muling maghaharap ang AFP Cavaliers at PNP Responders sa Game 2 sa darating na Lunes, March 7 sa Smart-Araneta Coliseum. (BERNARD DADIS / UNTV News)

The post PNP Responders, panalo kontra AFP Cavaliers sa Game 1 ng UNTV Cup Season 4 Finals appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481