Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

DepEd, tiniyak na handa sa enrollment ng mahigit isang milyong grade 11 students ngayong taon

$
0
0
Isa sa mga public school na handa na para sa pagpasok ng grade 11 at 12  ang Ramon Magsaysay High School sa Cubao, Quezon City.

Isa sa mga public school na handa na para sa pagpasok ng grade 11 at 12 ang Ramon Magsaysay High School sa Cubao, Quezon City.

MANILA, Philippines — Magkahalong kaba at pananabik ang nararamdaman ng grade 10 na si Irish dahil senior high school student na siya sa pasukan.

Kabilang si Irish sa mahigit isang milyong estudyante sa buong bansa na papasok sa grade 11 sa school year 2016-2017.

Pahayag ni Irish, “Nag-aadjust pa kami kung anu ang mangyayari sa grade 11 at grade 12 pero para sa akin advantage yun sa amin lalo na sa mga bagong information na makakalap namin doon.”

Ayon kay Department of Education Assistant Secretary Jesus Mateo, 2014 pa lang nagsimula na silang magpatayo ng mga karagdagang classroom, gumawa ng mga upuan at karagdang mga libro.

Nakapag-hire na rin sila ng 40,000 pang guro.

Ani ASec. Mateo, “Mayroon tayong nilaan na 43,000 classrooms. Nagkakahalaga yan ng P1-billion.

Ang Ramon Magsaysay Cubao High School, nakahanda na para sa papasok na senior high school student.

Sinabi ni School Principal Luis Tagayun, may siyam na silid-aralan na silang inilaan na kayang mag-accommodate ng hanggang 300 estudyante sa grade 11.

“Nagsisimula na ang pag-rehabilitate namin sa mga classrooms sa laboratory for bread and pastries sa tech-voc.”

Karamihan rin sa magihit 1,000 Grade 10 students sa Ramon Magsaysay Cubao High School ay nagpahayag na lilipat sa ibang eskuwelahan sa senior high school.

Isa na dito si Prince Rodriguez na nais mag-aral sa isang pribadong paaralan.

“Mas preferred ko lang po ang private kasi pag nag-apply ng trabaho sa mga kumpanya, they prefer na yung mga kilalang schools at sikat na universities.”

Ayon sa Department of Education ang K-12 program ay ang programang magbibigay sa mga kabataang Pilipino ng dekalidad na edukasyon. Makatutulong rin ito sa kanila upang makahanap ng trabaho habang pinaghahandaan ang pagpasok sa kolehiyo. (GRACE CASIN / UNTV News)

The post DepEd, tiniyak na handa sa enrollment ng mahigit isang milyong grade 11 students ngayong taon appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481