Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Ex-MRT GM Al Vitangcol, muling giniit na ibigay sa kanya ang counter affidavit ni DOTC Sec. Abaya atbp.

$
0
0
Former Metro Rail Transit General Manager Al Vitangcol

Former Metro Rail Transit General Manager Al Vitangcol

QUEZON CITY, Philippines — Ex-MRT GM Al Vitangcol: “Bakit po ang pamahalaang ito, ano po ba ang kinakatakot nito na maibigay sa atin ang kopya ng mga affidavit? Natatakot po ba sila na lumabas ang katotohanan? Natatakot po ba ang pamahalaan na ito, ang mga counter affidavit na ito ay magagamit natin sa ating depensa?”

Matagal nang humihingi si dating Metro Rail Transit GM Al Vitangcol sa Office of the Ombudsman ng kopya ng counter affidavit nina Department of Transportation and Communication Sec. Joseph Emilio Abaya at iba pa kaugnay sa umano’y maanomalyang maintenance contract ng MRT noong 2012.

Ang mga naturang dokumento ay gagamitin sa kanyang depensa sa kaso.

Ngunit hanggang ngayon ay tumatanggi ang Ombudsman sa katwirang hindi anila entitled si Vitangcol sa mga nasabing dokumento dahil immaterial naman ito sa kaso niya.

Pahayag pa ni Vitangcol, “Ito po ay malaking kasinungalingan dahil itong mga counter affidavit na ito, kung makikita po natin ito, ito po ay notaryado. At kapag ang isa pong dokumento ay notaryado, ito po ay magiging public document. At ang public document po, kahit kayo po, kahit sino po sa inyo ay pwede po kumuha ng kopya.”

Tinawag ni Vitangcol na isang uri ng persecution ang hindi pagbibigay ng Ombudsman ng mga dokumento sa kanya.

Aniya, bilang akusado, may karapatan siya sa ilalim ng Saligang Batas na dumaan sa due process.

Nakasuhan ng graft at paglabag sa government procurement law si Vitangcol sa Sandiganbayan dahil sa kuwestiyunableng maintenance contract ng MRT noong 2012 na umano’y ibinigay niya sa kumpanyang PH Trams.

May conflict of interest ang awarding ng kontrata dahil hindi sinabi ni Vitangcol na uncle-in-law niya ang isa sa mga incorporator ng PH Trams.

Paliwanag ni Al Vitangcol III na mahalaga ang counter affidavit nina DOTC Sec. Abaya at iba dahil ito aniya ang magpapawalang sala sa kanya. Giit nito, makikita sa mga dokumento na ang DOTC ang nag-apruba sa pag-a-award ng maintenance contract at hindi na ito sakop ng kanyang trabaho bilang general manager ng MRT. (JOYCE BALANCIO / UNTV News)

The post Ex-MRT GM Al Vitangcol, muling giniit na ibigay sa kanya ang counter affidavit ni DOTC Sec. Abaya atbp. appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481