QUEZON CITY, Philippines — Tiniyak ng Department of Agriculture na hindi maaapektuhan ang presyo at supply ng karneng baboy kung matutuloy ang nakaambang pork holiday ng mga backyard raisers.
Pinaplano na ng mga backyard hog raiser na magsagawa ng limang araw na pork holiday dahil umano sa talamak na smuggling ng karneng baboy.
Ayon naman kay Dept. of Agriculture Undersecretary Jose Reaño, ang tunay na problema ay hindi smuggling kundi ang mas mababang presyo ng mga imported na karne.
Katwiran ng DA, wala itong kapangyarihan sa pagpasok ng mga mas murang iniaangkat na karne dahil ang Pilipinas ay miyembro ng World Trade Organization o WTO.
(REY PELAYO / UNTV News)
The post Nakaambang pork holiday, hindi makaka-apekto sa presyo ng karneng baboy appeared first on UNTV News.