Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Dionesia Pacquiao, dumalo sa pagdinig ng kanyang apela kaugnay sa tax assessment ng BIR Region 18

$
0
0
Ang ina ni Congresman Manny Pacquiao na si Dionesia Pacquiao sa pagdalo sa sa pagdinig ng kanyang apela kaugnay sa tax assessment ng BIR Region 18.

Ang ina ni Congresman Manny Pacquiao na si Dionesia Pacquiao sa pagdalo sa sa pagdinig ng kanyang apela kaugnay sa tax assessment ng BIR Region 18.

QUEZON CITY, Philippines — Umupo sa witness stand sa kaunaunahang pagkakataon si Dionesia Pacquaio kaugnay ng kanyang pagkwestyon sa tax assessment ng Bureau of Internal Revenue Region 18.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Court of Tax Appeals, nanindigan ito na naghain siya ng kanyang Income Tax Return noong 2010.

Aniya, mismong ang kanyang bookkeeper ang pinag-asikaso niya noon upang bayaran ang kanyang tax liabilities dahil hirap siya sa ingles.

Subalit ipinakita rin ni Atty. Katrina muli ng Bureau of Internal Revenue ang mga dokumentong nagpapatunay na wala silang natanggap na ITR mula kay Ginang Pacquiao noong 2010.

Ayaw namang mabigay ng pahayag ni Dionisia Pacquiao kaugnay sa isyu.

Pahayag ng ina ni Manny Pacquiao, “Wala akong ano dyan, wala akong alam dyan. No comment po, no comment.”

Mayo ng nakaraang taon nang maghain ng petisyon si Aling Dionesia sa Court of Tax Appeals dahil sa umano’y pagkakaroon niya ng utang sa BIR na aabot sa P1.6 million.

Iginiit din nito na walang dahilan o batayan ang kawanihan na imbestigahan siya dahil wala naman siyang pinagkakakitaan dahil umaasaa lang siya sa suporta ng kanyang mga anak na si Manny.

Ayaw naman magbigay ng pahayag ang BIR hangga’t hindi pa nareresolba ang isyu. (GRACE CASIN / UNTV News)

The post Dionesia Pacquiao, dumalo sa pagdinig ng kanyang apela kaugnay sa tax assessment ng BIR Region 18 appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481