Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mga Pilipino na ilang buwan nang naghihintay ng visa sa Kish Island sa Iran humingi na ng tulong upang makabalik sa UAE

$
0
0
Ang ilan sa mga kababayan natin sa isla ng Kish sa Iran na humihingi ng tulong sa ating pamahalaan.

Ang ilan sa mga kababayan natin sa isla ng Kish sa Iran na humihingi ng tulong sa ating pamahalaan.


MIDDLE EAST, Philippines —
Ang Queshm at Kish ay mga lugar na sakop ng Iran kung saan maraming expats ang nag e-exit dahil ito ang pinakamalapit at pinaka-affordable na lugar upang mamalagi habang naghihintay ng visa patungo sa UAE.

Ayon sa datus ng pamahalaan noong February 2015, tinatayang aabot sa 3,000 Filipino ang nag-exit sa Kish Island sa Iran, sa Al Buraimi at Khasab sa Oman.

Sa kasalukuyan ay marami pang kababayan natin ang nanatili Kish at Quesm na naghihintay ng kanilang mga visa.

Kaya naman nanawagan sila sa kanilang mga ahensiya na gawan ng paraan na makapunta sa UAE upang makapagtrabaho na o makauwi sa Pilipinas.

Pahayag ng isang OFW sa Kish, “Wala na po kaming makain dito, kahit nga po ako pinapaalis na sa hotel kase di na ako makabayad, di namin alam kung ano ang dapat naming gawin.”

Sabi naman ng isang OFW na galing sa Kish, “Kami po ay galing sa Kish Island. Ngayon po ay nasa Dubai kami connecting flight going to Philippines. Ang nangyayari po ngayon, sobrang nagpapasalamat po kami dahil nandito na po kami ngayon going back home to Philippines na po. Ang concern lang po namin, nag-aalala po kami doon sa mga kabayan na naiwanan po sa Kish, which is andami po.”

Ayon sa Konsulado, simula pa noong January 1 ay hindi na kinakailangan na mag-exit sa Kish, Queshm o sa Oman ang isang expat sa bansa upang magkaroon ng bagong visa.

Sa halip ay pinagbabayad na lang ng tinatayang 570 Dirhams o 6,840 pesos para sa bagong visa.

Sa ngayon ay patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Konsulado ng Pilipinas dito sa Dubai, sa Embahada ng Pilipinas sa Tehran, sa Iran upang patuloy ma-monitor ang kalagayan ng ating mga kababayan sa Kish at Queshm.

“Kish is outside our jurisdiction. It is under the jurisdiction of the Embassy in Tehran, because Kish nga is in Iran. So it is our embassy in Tehran that monitors the plight, situations of all our Pinoys there in Kish and every now and then we communicate with Tehran kung mayroon mang nangyayari doon na may family members sila dito,” pahayag ni Dubai-UAE Consul-General Paul Raymund Cortes.

Isa sa pinangangambahan ng mga Pilipino sa Kish ay ang mga isyung lumalabas tungkol sa usapin ng bansang Iran at Saudi kaya naman nagpahayag ang konsulado na patuloy silang nakikipag-ugnayan sa DFA.

“We are in touch with one another as far as contingency plans is concern. We continually update them but as whether we have an advisory for evacuation, no, that’s not in the office so far,” ani Consul General Cortes.

(Anna Maravilla / UNTV News)

The post Mga Pilipino na ilang buwan nang naghihintay ng visa sa Kish Island sa Iran humingi na ng tulong upang makabalik sa UAE appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481