Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mga bagong plaka ng sasakyan, sigurado nang maipamamahagi ng land transportation office ngayong buwan

$
0
0
FILE PHOTO: Car Plates

FILE PHOTO: Car Plates

QUEZON CITY, Philippines — Posibleng maayos na sa susunod na linggo ng importer ng nasa mahigit anim na daang libong plaka ang mga dapat bayaran sa Bureau of Customs.

Hawak ngayon ng BOC ang labing isang container na puno ng mga plaka ng sasakyan na na-hold sa Port Area matapos itong ideklara ng private importer na abandoned.

Ayon kay Customs Commissioner Alberto Lina, aabot ng 40 million pesos na duties and taxes ang kailangang bayaran ng Power Plates Development Concepts Incorporated upang ma i-release ang mga plaka.

Kung hindi nila ito babayaran, ipapa-auction na ito ng BOC at hindi na ito mababawi pa ng private importer.

“We will do the process from the abandonment. Edi i-auction, i-bid until such time they write us a letter. Meron namang relief, bayaran ang duties and taxes,” pahayag ni Bureau of Customs Commissioner Alberto Lina.

Ayon naman sa Land Transportation Office, walang koneksyon ang naisyung notice of disallowance ng Commission on Audit sa pagbabayad ng mga duties at taxes ng private importer sa BOC.

Nasa daang libo na ang backlog ng LTO sa mga plaka at inaasahang mareresolba na ito simula ngayong buwan.

Kapag nabayaran na ito ng importer, sa loob lamang ng 2 hanggang tatlong linggo ay maire-release nila ang mga plaka sa mga motorist.

Pahayag ni LTO Spokesperson Jason Salvador, “Yes, very possible, kasi unang una alam naman natin lahat na meron kami na nakabinbin na 11 containers sa port. So, yan ready na yan pag na-lift ang disallowance, kami ay makakapagbayad sa supplier. In return, ang supplier makakapagbayad ng duties and taxes sa Customs upang makuha ang 11 container na naglalaman ng 600,000 plates more or less.”

Sa ngayon, hindi muna naniningil ng bayad ang LTO sa mga kumukuha ng bagong plaka mula ng ipag-utos ng COA na itigil ng LTO ang pagbabayad sa supplier.

Dalawang buwan na ang nakakaraan ng mag-file mg motion for reconsideration ang LTO na humihiling sa COA na i-lift ang notice of disallowance.

Samantala, aprubado na ng Court of Appeals ang bidding para sa walong bilyong information and communications technology infrastructure and database system project ng LTO.

Dinismis ng CA ang petisyon ng Stradcom na itigil ng DOTC ang implementasyon ng naturang proyekto.

Ang IT project ng LTO ang papalit sa outdated na IT system ng ahensya.

Mas mapapabilis ng LTO ang serbisyo nito kapag naging maayos ang IT system, kabilang na rito ang pagkuha ng lisensya at plaka sa pamamagitan ng online application. (MON JOCSON / UNTV News)

The post Mga bagong plaka ng sasakyan, sigurado nang maipamamahagi ng land transportation office ngayong buwan appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.