Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Full alert status, itinaas sa CDO kaugnay ng nangyayaring kaguluhan sa Zamboanga City

$
0
0
Google Maps: Cagayan De Oro & Zamboanga City

Google Maps: Cagayan De Oro & Zamboanga City

CAGAYAN DE ORO CITY, Philippines – Nakataas pa rin ang full alert status sa buong probinsya ng Cagayan De Oro bunsod ng nagpapatuloy na kaguluhan sa Zamboanga City.

Ayon kay Cagayan de Oro City Police Chief Inspector Lemuel Gonda, paraan ito upang huwag nang kumalat pa sa mga karatig bayan o lalawigan ang nangyayaring krisis sa Zamboanga.

“Full alert tayo, nung nag-umpisa ang krisis sa Zamboanga naka-full alert na tayo until now.”

Ayon pa sa opisyal, pinakiusapan nila ang mga miyembro ng MNLF na nasa lungsod na huwag isuot ang kanilang mga uniporme at bawal ding magdala ng armas partikular na sa mga pampublikong lugar.

Katuwang ang 4th Infantry Diamond Division ng Philippine Army ay mas hinigpitan pa ng PNP ang mga nakalatag na checkpoint papasok at palabas ng lungsod partikular sa Barangay Iponan, Puerto Area at Barangay Lumbia.

Masusi ring iniinspeksyon ang bawat sasakyan upang masigurong walang maghahasik ng kaguluhan sa siyudad.

“Strengthened yung mga check points entrance and exit then nagpasecurity survey tayo sa lahat ng stations,” pahayag pa ni Gonda.

Samantala, sang-ayon naman ang maraming Kagay-anon sa ipinatutupad na heightened alert status ng mga awtoridad.

Ayon sa mga residente, hanggang ngayon ay sariwa pa sa kanilang alaala ang nangyaring pagsabog sa Limketkai na ikinasugat at ikinasawi ng marami.

Ayon kay Aling Estrelita Ebcay, “matakot talaga tayo kasi malapit lang ang Cagayan De Oro sa Zamboanga, mas maganda na mahigpit para walang gulo sa Cagayan De Oro.”

“Kailangan talaga magbigay sila ng proteksyon sa sibilyan at lahat ng tao dito sa Cagayan De Oro,” pahayag naman ni Bert Abisamis. (Anne Sanchez / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481