ZAMBOANGA CITY, Philippines – Itinanggi ni Moro National Liberation Front (MNLF) founding chairman Nur Misuari na siya ang nasa likod ng nangyayaring stand-off sa Zambonga City.
Ayon kay Mayor Beng Climaco, nakausap niya kagabi si Misuari at sinabi nito sa kanya na wala siyang basbas sa ginagawang gulo ng kanyang mga tauhan.
Mariin ding itinatakwil ng MNLF leader ang mga naging hakbang ni Habier Malik, ang sinasabing lider ng MNLF fighters na may hawak sa ilang bihag na sibilyan. (UNTV News)