Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pulis na umano’y protektor ng mga bumabyaheng truck upang makaiwas sa huli, inalis na sa pwesto

$
0
0
Hawak ni PNP Spokesperson Atty. Wilben Mayor ang order mula sa SPD para kina PO3 Rommel Macaspac at hepe ng traffic division ng Pasay PNP.

Hawak ni PNP Spokesperson Atty. Wilben Mayor ang order mula sa SPD para kina PO3 Rommel Macaspac at hepe ng traffic division ng Pasay PNP.

QUEZON CITY, Philippines — Dinisarmahan at inalisan na ng badge ang Pulis Pasay na nagbibigay ng escort sa mga truck na nagsisilbi umanong protektor upang makaiwas sa huli kahit lumabag sa batas trapiko.

Nasa holding unit na ng Southern Police District ang nasabing pulis na si PO3 Rommel Macaspac.

Damay din sa disciplinary action ang chief ng traffic division ng Pasay Police na nagdepensa pa kay Macaspac.

Ayon kay PNP Spokesman Chief Superintendent Wilben Mayor, posibleng masilip din ang anggulo ng extortion sa isinasagawa ngayong imbestigasyon.

“The Southern Police District issued a relief order to the two, pinadala sila for the meantime habang kina conduct ang investigation sa district headquarters sila, personnel holding and accounting section.”

(UNTV News)

The post Pulis na umano’y protektor ng mga bumabyaheng truck upang makaiwas sa huli, inalis na sa pwesto appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481