MANILA, Philippines — Sa tanong sa mga respondent, batay sa mga nakalistahang pangalan, sino ang kanilang ibobotong presidente ng Pilipinas kung ang eleksyon ay gaganapin ngayong araw, parehong nanguna sa presidential preference survey ng Pulse Asia sina Senator Grace Poe at Vice President Jejomar Binay.
Ito ay batay sa February 15-20, 2016 Pulso ng Bayan survey, kung saan halos pareho ang ratings ng dalawa na may 26 at 25 percent.
Nakakuha naman ng 21 percent sina Rodrigo Duterte at Mar Roxas.
Three percent naman si Senator Miriam Santiago.
Malaki ang itinaas ng rating ni VP Binay sa Mindanao region.
Samantalang bumaba naman si Roxas sa Mindanao ngunit tumaas sa Visayas region.
Malaki naman ang improvement sa rating ni Duterte sa National Capital Region.
Samantala, statistically-tied naman sinasenators chiz escudero at bongbong marcos sa vice presidential race na may 29 at 26 percent.
Pangalawa si Camarines Sur Representative Leni Robredo na may 19 percent, pangatlo si Senator Alan Peter Cayetano, parehong nakakuha ng single-digit voter preferences sina Senators Trillanes at Honasan.
Ayon kay Senador Grace Poe, nagsisilbi itong inspirasyon sa kanila
“Ako’y taus-pusong nagpapasalamat sa ating mga kababayan na halip na sinasabing pagdududa tungkol dito sa disqualification naniniwala pa rin sila sa ating plataporma at patuloy pa rin ang kanilang suporta,” ani Sen. Poe.
Sinabi naman ni UNA Spokesman Rico Quicho, inaasahan nila na mas paiigting pa ng mga kaaway sa pulitika ni VP Binay ang demolition job dahil sa mataas na rating ng Pulse Asia Survey.
Ayon naman kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, ipinapakita lamang nito na nagiging mahigpit na ang laban sa darating na eleksyon at naniniwala ang Malakanyang na mangingibabaw pa rin ang totoong kandidato ng reporma.
Samantala, nangunguna naman sa senatorial preferences survey sina Tito Sotto, Panfilo Lacson, Kiko Pangilinan, Ralph Recto at Franklin Drilon.
Pasok rin sa winning circle sina Migz Zubiri, Leila de Lima, Serge Osmeña, Dick Gordon, Win Gatchalian, Joel Villanueva, TG Guingona, Risa Hontiveros at Manny Pacquiao.
Isinagawa ang survey noong February 15 hanggang 20 sa 1,800 registered voters. (NEL MARIBOJOC / UNTV News)
The post Sen. Grace Poe at VP Binay, nangunguna sa presidential race — Pulse Asia appeared first on UNTV News.