Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

DTI, hinikayat ang mga maliliit na negosyante na gamitin ang internet sa pagbebenta ng kanilang mga produkto

$
0
0
Ang Facebook at Twitter ay dalawa lamang sa mga social media sites na pwedeng magamit sa pagma-market ng negosyo. FILE PHOTO: Reuters

Ang Facebook at Twitter ay dalawa lamang sa mga social media sites na pwedeng magamit sa pagma-market ng negosyo. FILE PHOTO: Reuters

VISAYAS, Philippines — Isinusulong ngayon ng Department of Trade and Industry ang konsepto ng online negosyo o paggamit ng internet upang mapalakas ang kita ng micro, small and medium enterprises (MSME) sa Western Visayas.

Ayon sa dti, malaki ang posibilidad na lumawak ang isang negosyo kung gagamitan ng makabagong teknolohiya lalo’t nauuso na ngayon ang online shopping.

Handa naman ang local producers na subukan at pag-aralan ang mga pasikot-sikot ng e-commerce upang mapalago ang kanilang mga negosyo.

Pahayag ni Jean Oquendo na isang negosyante sa Capiz, “Yeah sure! If I will know what is it all about, if I’ll know how to go about it… syempre learn ko muna yun di ba? So, if it would be good also and I will have the time, maybe… and yes!”

Sabi naman ng negosyanteng si Cecille Pingoy na mula sa Aklan, “Syempre willing kami. Talagang reading ready na na pumasok kami sa ganun…”

Samantala, handa naman ang Department of Science and Technology na tulungan ang mga maliliit na negosyante sa product development bukod sa pagma-manage ng kanilang online business accounts.

Ang e-commerce ay isa sa mga paraang maaaring gamitin ng MSMEs sa pagpapalago ng negosyo lalo’t aabot na sa mahigit 225 million ang aktibong gumagamit ng internet sa Southeast Asia, batay sa ulat ng social media agency na We Are Social at Interactive Advertising Bureau Singapore.

Maaari ding gamitin ang internet upang maipakilala sa buong mundo ang mga produkto ng Pilipinas na malaking tulong upang mapa-angat ang kabuhayan ng local producers. (VINCENT OCTAVIO / UNTV News)

The post DTI, hinikayat ang mga maliliit na negosyante na gamitin ang internet sa pagbebenta ng kanilang mga produkto appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481