Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Winner-take-all match ng AFP Cavaliers at PNP Responders para sa UNTV Cup Season 4 Finals, mamayang gabi na

$
0
0
Ang PNP at AFP team bago magsimula ang game 2 ng UNTV Cup Season 4 Finals. (Russell Julio / Photoville International)

Ang PNP at AFP team bago magsimula ang game 2 ng UNTV Cup Season 4 Finals. (Russell Julio / Photoville International)

QUEZON CITY, Philippines — Matapos maipwersa ng season champion AFP Cavaliers ang do-or-die game kontra mahigpit na karibal na PNP Responders.

Magkakaalaman na kung sino sa dalawa ang tatanghaling kampeon ng UNTV Cup Season 4 mamayang ala-syete ng gabi sa Smart-Araneta Coliseum.

Sa Game 1 noong February 28, tinalo ng Responders ang Cavaliers sa score na 84-80 sa pamamagitan ng run-and-gun attack.

Sa Game 2, buwelta ang AFP at niratrat agad ng matinding opensa ang PNP na nagawa pang tambakan ng 19 puntos sa 3rd quarter sa tulong ni former PBA player at UNTV Cup Season 4 Best Forward Boyet Bautista na may 21 points.

Nagtapos ang Game 2 sa score na 71-66.

Ang gunner ng PNP na si PO3 Ollan “The Sniper” Omiping na nagpaputok ng 28 points sa Game 1 ay hindi rin nakaporma sa Game 2 sa higpit ng ginawang depensa mg AFP at nakapagbuslo lamang ng siyam na puntos.

Amindo si PNP Responders headcoach Ernesto Ballesteros na nahirapan sila sa outside shooting ng PNP.

Sa Game 2, nagpaulan ng 8 three point shots ang Cavaliers, kontra sa tatlo lamang ng Responders mula sa dalawampu’t walong attempt sa rainbow country.

Pahayag ni PNP Responders Head Coach Estong Ballesteros, “Basta gagawin namin yung best namin para manalo kami. Magdo-double effort kami lalo na sa depensa, saka more on shooting kami talaga. Kailangang mai-stop talaga namin yung mga wing man nila lalo na yung mga shooters, sila Bautista, sila Zuñiga at saka sila Araneta. Yung big man kaya naman, eh.”

Kumpiyansa si Ballesteros na mauulit nila ang ipinakitang performance sa Game 1 at guguhit ng bagong kasaysayan sa UNTV Cup!

“Basta babawi kami sa Game 3, kukunin namin yan. Tiwala ako sa team ko na babalik kami.”

Ngunit ang AFP Cavaliers, desididong ulitin ang nagyari sa season 2 kung saan magkasunod nilang tinalo ang Responders sa game 2 at 3.

“[ Pipilitin naming manalo para ] sa buong AFP, saka doon sa beneficiary namin. Sana pag nakuha namin, malaki laki makukuha namin… mukhang history repeat itself,” pahayag AFP Cavaliers Head Coach Ret. Gen. Alfredo Cayco.

Kumpiyansa rin ang Cavaliers na napaghandaan na nila ng husto ang mga diskarteng gagawin ng PNP.

“Yung running game namin, gagawin pa rin namin… dadagdagan pa namin yung running game… yun yung weakness nila eh,” ani AFP Cavaliers Assistant Coach Cornelio “Sonny” Manucat III.

“Maraming salamat sa suppurters ng AFP, AFP community. UNTV fans, maraming salamat. Huwag kayong magsawa. Sa mga AFP Fans may game 3, pipilitin naming kunin to, salamat po.”

Ang tatanghaling kampeon sa UNTV Cup ay mag-uuwi ng apat na milyon pisong cash prize kung saan ang 3.5 million pesos ay ibibigay ng winning team sa kanilang napiling beneficiary at ang kalahating milyong piso ay paghahatian ng buong team.

Ang runner up naman ay magkakamit ng dalawang milyong piso, 1.7 million pesos ay ipagkakaloob sa kanilang napiling beneficiary at 300 thousand pesos para sa buong team. (BERNARD DADIS / UNTV News)

The post Winner-take-all match ng AFP Cavaliers at PNP Responders para sa UNTV Cup Season 4 Finals, mamayang gabi na appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481