QUEZON CITY, Philippines – Kinilala ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas ang kontribusyon ng Philippine National Police (PNP) sa mapayapa at maayos na 2013 midterm elections.
Sa tulong ng PNP, malaki ang ibinaba ng bilang ng election related incident sa katatapos lamang na halalan sa bansa.
Ayon kay DILG Secretary Mar Roxas, malaki ang naitulong ng maagang paghahanda ng buong pwersa ng pambansang pulisya para sa seguridad ng eleksyon.
“Malinaw sa statistika na mas tahimik o mas orderly ang halalan 2013 kumpara noong nagdaang taon. ‘Di namin sinasabi na perfect ito, may mga insidente na hindi ka nais-nais, may mga namatay nga na PNP, gayunpaman mas bawas ang election related incidents sa taong ito kumpara sa nakaraang taon,” pahayag ni Roxas.
Batay sa record ng PNP, 81 election-related incidents lamang ang naitala sa katatapos na 2013 midterm elections. Mas mababa ito kumpara sa 176 noong 2010 national elections at 227 noong 2007 midterm elections. (Ley Ann Lugod & Ruth Navales, UNTV News)