Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Brigada Eskwela ng DepED, umarangkada na

$
0
0
Pinangunahan ni DepEd Secretary Armin Luistro ang pagpapasimula ng taunang bayanihan na Brigada Eskwela. Kasama sa launching ay ang aktres na si Anne Curtis at ang mga representante ng AUSAID o Australian Government Overseas Aid Program nitong Lunes sa Philippine School for the Deaf. (NATALIE SARA VASQUEZ / Photoville International)

Pinangunahan ni DepEd Secretary Armin Luistro ang pagpapasimula ng taunang bayanihan na Brigada Eskwela. Kasama sa launching ay ang aktres na si Anne Curtis at ang mga representante ng AUSAID o Australian Government Overseas Aid Program nitong Lunes sa Philippine School for the Deaf. (NATALIE SARA VASQUEZ / Photoville International)

MANILA, Philippines – Pinasimulan na ng Department of Education (DepED) ang taunang Brigada Eskwela nitong Lunes,  May 20.

Sinabi ni Secretary Armin Luistro na ito na ang ika-sampung taon na paglulunsad ng programa.

Ito ang taunang paglilinis at paghahanda sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa bago ang pagbubukas ng klase sa Hunyo.

“Ito yung unang araw ng Brigada Eskwela at kasama natin ang buong bayan sa lahat ng ating eskwelahan sa buong Pilipinas, naguumpisa na yung ating paghahanda yung ating maintennace work sa ating mga eskwelahan,” pahayag ng kalihim.

Kasabay nito, nanawagan ang DepED sa lahat ng mga magulang at estudyante na tumulong sa mga guro sa paglilinis ng mga silid aralan.

Ang dalawang linggong Brigada Eskwela ay naglalayong ibalik ang diwa ng bayanihan sa mga Pilipino kung saan tulong-tulong na inaaayos at nililinis ang mga silid aralan sa buong bansa.

Samantala, tiniyak rin ng DepED na handing-handa na din sila sa darating na pasukan.

Sinabi ni Sec. Luistro na ang mga kakulangan sa mga palikuran, silid aralan at iba pang imprastraktura ay inaasahang matatapos hanggang sa huling buwan ng taong ito. (Mon Jocson & Ruth Navales, UNTV News)

Kasama ng iba pang mga volunteers mula sa iba't-ibang sektor ng lipunan ay ang mga kabataang ito na mula sa grupong Ang Dating Daan na nakibahagi sa Brigada Eskwela sa Dadiangas West Elementary School at General Santos City. (DARWIN DEE / Photoville International)

Kasama ng iba pang mga volunteers mula sa iba’t-ibang sektor ng lipunan ay ang mga kabataang ito na mula sa grupong Ang Dating Daan na nakibahagi sa Brigada Eskwela sa Dadiangas West Elementary School at General Santos City. (DARWIN DEE / Photoville International)

Maging ang puwersa ng Armed Forces of the Philippines ay taunang sumusuporta sa Brigada Eskwela. (MARVIN PONGOS /  Photoville International)

Maging ang puwersa ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police ay taunang sumusuporta sa Brigada Eskwela. (MARVIN PONGOS / Photoville International)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481