Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

VP Binay, inulan ng tanong mula sa iba pang presidentiables sa ikalawang presidential debate

$
0
0
Ang pagdating ni Vice President Jejomar Binay sa venue ng P-presidential debate sa Cebu.  (UNTV News)

Ang pagdating ni Vice President Jejomar Binay sa venue ng P-presidential debate sa Cebu. (UNTV News)

CEBU, Philippines — Naging mainit ang ikawalang presidential debate na ginanap nitong Linggo sa Cebu City.

Malayo ang pangalawang debate sa una na idinaos sa Cagayan de Oro.

Mistulang pinagtulong-tulungan ng iba pang kandidato sa pagka-pangulo si Vice President Jejomar Binay at tinanong tungkol sa mga bintang sa kanyang kurapsyon.

Inulan ng tanong si Binay mula kina Senator Grace Poe, Liberal Party candidate Mar Roxas at Davao City Mayor Rodrigo Duterte na inakusahan ng Ombudsman na nagbulsa ng bilyong-bilyong piso noong siya pa ang mayor ng Makati City.

Hindi nakadalo si Senator Meriam Defensor Santiago sa pangalawang debate na ginanap sa University of the Philippines campus sa Cebu para sa clinical trial kaugnay sa bagong cancer treatment.

Dinomina ang debate ng mga graft charges laban kay Binay kaya bahagya na lamang natalakay ang ibang issue na kinabibilangan ng national security, climate change at tax reforms.

Dapat sanang nagsimula ang debate sa ganap na alas singko ng hapon pero na-delay ng halos isang oras dahil sa bawal magdala ng notes.

Nais ni Binay na gumamit ng notes sa debate na mariing pinrotesta nina Poe, Duterte at Roxas dahil bawal ito sa ruling ng COMELEC. (UNTV News)

The post VP Binay, inulan ng tanong mula sa iba pang presidentiables sa ikalawang presidential debate appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481