MANILA, Philippines — Patuloy na nadadagdagan ang lumalabag sa COMELEC gun ban mula nang magsimula ang election period.
Base sa datos ng PNP nasa 2,287 na ang naaresto kabilang na rito ang mga sibilyan, pulis, sundalo, BFP personnel, elected at government officials, security guards, CAFGU, mga empleyado mula sa ibang law enforcement agency at iba pa.
Samantala, mas paiigtingin pa ng pulisya ang mga ipinatutupad na police checkpoint sa iba’t-ibang lugar sa bansa habang papalapit ang halalan.
Paalala ng pamunuan ng PNP, iwasan ang pagdadala ng mga ipinagbabawal tulad ng baril at bladed weapons upang hindi makasuhan. (UNTV News)
The post Nahuli sa COMELEC gun ban, umakyat na sa mahigit 2,200 appeared first on UNTV News.