Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Dalawang sugatan sa motorcycle accident sa QC, tinulungan ng UNTV News and Rescue

$
0
0
Ang pagtulong ng UNTV News and Rescue team sa isa sa mga biktima ng motorcycle accident sa Quezon City nitong gabi ng Linggo. (UNTV News)

Ang pagtulong ng UNTV News and Rescue team sa isa sa mga biktima ng motorcycle accident sa Quezon City nitong gabi ng Linggo. (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines — Sugatan ang mga biktimang sina Argy Asis at Jeffrey dela Peña na pawang mga taga-Alabang matapos ang motorcycle accident sa Barangay Central sa Southbound ng Commonwealth avenue pasado alas dies kagabi.

Nagtamo ng malalim na sugat si Argy sa kanyang kanang paa at mga gasgas sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang si Jeffrey ay nagtamo lamang ng minor injuries.

Agad binigyan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue team ang mga biktima at isinugod sa East Avenue Medical Center.

Samantala, sugatan ang dalawang driver ng motorsiklo matapos magbanggaan sa flyover Maguikay, Mandaue City, pasado alas kuwatro ng madaling araw nitong Lunes.

“Kaning usa gikan sa Consolacion padung sa Naga, trabaho mani siya sa manoy panadera, unya kaning usa gikan sa hiway seno padung Consolacion. Nagsugat sila ibabaw sa flyover,” ani PO2 Modesto Gochavez.

(Itong isa galing Consolacion papuntang Naga, trabaho kasi siya sa Manoy Panadera, tapos itong isa galing sa hi-way Seno papuntang Consolacion. Nagsalubong sila sa taas, sa flyover.)

Nagtamo ng hiwa sa labi at baba at gasgas sa kanyang kanang tuhod si Jevy Isoto, samantala, nagkaroon naman ng deformity sa kanang paa si Gonato Leo Murillo at idinadaing ang pananakit ng kanyang batok.

Nilapatan ng pangunang lunas ng grupo ang mga biktima at inihatid si Jevy sa Mandaue City District Hospital.

Ang Danao 211 Rescue naman ang nagdala sa pinakamalapit na ospital.

(REYNANTE PONTE / MARLON ABIQUE / UNTV News)

The post Dalawang sugatan sa motorcycle accident sa QC, tinulungan ng UNTV News and Rescue appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481