CALOOCAN, Philippines — Hindi naging hadlang ang distansya ng magkaibigang sina Hernanie Ramos at Pabemazar Atienza na mula sa Amerika upang maisali ang kanilang komposisyon na “My Tear-filled Handkerchief Will Dry” sa ikalawang Linggo ng elimnasyon sa buwan ng Marso sa A Song of Praise o ASOP Music Festival Year 5.
Nagustuhan ng mga huradong sina Pat Castillo, Ito Rapadas at Doktor Musiko Mon del Rosario ang pagiging simple lamang ng awit kaya’t pinili nila itong maging “song of the week.”
Nagustuhan din ito ng interpreter na si Kellyboy Ricafort kaya’t maayos nya na-interpret ang awit.
“Ako, as an interpreter, personally po naka-relate talaga ako dun sa kanta kasi talagang pinakita niya yung paghihirap saka yun nga unhappiness ng isang tao. So, God will be the one to dry that handkerchief,” ani Ricafort.
Tinalo nito ang power ballad na “Ikaw Ama” ni Joel Talagtag na inawit ni Anne Ramsey at ang upbeat song na “Ang Buhay ng Kristianong Tunay” nina Jeff Cabrera at Jon Jovet Glico na inawit naman ni Bryan Olano. (ADJES CARREON / UNTV News)
The post Awiting “My Tear-filled Handkerchief Will Dry”, ikatlong weekly winner sa buwan ng Marso sa ASOP Year 5 appeared first on UNTV News.