Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Philippine Army, pinaalalahan ni Pres. Aquino na umiwas sa pamumulitika sa darating na halalan

$
0
0
Si Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang pagbibigay ng pahayag sa pagdiriwang ng ika-119 anibersaryo ng Philippine Army sa Fort Bonifacio, Taguig City.(Photo by Joseph Vidal / Robert Viñas/ Malacañang Photo Bureau)

Si Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang pagbibigay ng pahayag sa pagdiriwang ng ika-119 anibersaryo ng Philippine Army sa Fort Bonifacio, Taguig City.(Photo by Joseph Vidal / Robert Viñas/ Malacañang Photo Bureau)

QUEZON CITY, Philippines — Dumalo si Pres. Benigno Aquino III sa pagdiriwang ng ika-119 na taon ng Philippine Army.

Sa talumpati ng Pangulo, ikinumpara niya ang kalagayan ngayon ng Hukbong Sandatahang Lakas ng Pilipinas kumpara sa nakaraang administrasyon.

“Masasabi nga nating tumutuo tayo sa ating panata na di hamak naman na mas maganda na ang kalagayan ng ating kasundaluhan.”

Sinabi ni Pangulong Aquino na marami pang dapat asahan na parating na mga bagong kagamitan ang AFP bilang bahagi ng modernization program ngunit hindi muna niya ito idedetalye dahil na rin sa usapin ng national security.

Marami na ring ginawang inisyatibo ang kaniyang administrasyon, ilan na rito ang pabahay para sa unipormadong hanay at livelihood programs.

Gayundin ang umento sa monthly combat pay at subsistence allowance para sa unipormadong hanay.

Umaasa naman ang Pangulo na matutuloy nang maipasa ng kongreso ang Salary Standardization Law 4 para sa patuloy na pagtataas sa sahod at benepisyo ng mga empleyado ng pamahalaan.

Inulat rin ni Pangulong Aquino na nakapaglabas na rin ng pondo ang pamahalaan ng mahigit dalawang bilyong piso para sa kasuotan at kagamitan ng army, pondo sa medical equipment at iba pa.

Pinuri rin niya ang Hukbong Katihan dahil sa matagumpay na pagsugpo sa ilang armadong grupo.

“Sa loob ng ating administrasyon sa pagtupad ninyo, mahigit 1.3 milyong operasyong kontra sa mga kalaban ng estado,tuluyan nating napalaya ang limampu sa pitumpu’t anim na probinsyang apektado ng panggugulo ng NPA, labindalawa na lang po ang natitira.”

Pinaalalahanan naman ng commander in chief ang Hukbong Katihan kaugnay ng paparating na halalan.

“Kaya naman sa paparating na halalan, malinaw ang atas sa atin ng sambayanan manatili sa kanilang panig. Huwag makihalo sa pulitika at siguruhing mananaig ang nagkakaisang tinig ng bayang tumatahak sa landas ng demokrasya.”

Sa huli, pinasalamatan ng Pangulo ang Philippine Army sa serbisyo nito sa bayan.

Partikular na sa mga pagtulong sa ating mga kababayan na apektado ng krisis o kalamidad na nararanasan ng bansa. (NEL MARIBOJOC / UNTV News)

The post Philippine Army, pinaalalahan ni Pres. Aquino na umiwas sa pamumulitika sa darating na halalan appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481