QUEZON CITY, Philippines — Dinismiss ng Sandiganbayan 2nd Division ang kasong graft laban kay dating Government Service Insurance System o GSIS president Winston Garcia at iba pang dating matataas na opisyal ng ahensya.
Sa resolusyon ng anti-graft court, sinabi nitong nalabag ang karapatan ng mga akusado sa speedy disposition of the case o mabilis na pagtatapos ng kaso.
Sinabi ng Sandiganbayan hindi makatarungan na inabot na halos sampung taon bago naisampa ng Ombudsman sa kaso sa korte.
Noong 2005 pa nang ireklamo sina Garcia sa Ombudsman ngunit taong 2011 lang nasimulan ang imbestigasyon habang taong 2015 naman naisampa ang kaso sa korte.
Ayon sa Sandiganbayan, dapat kinikilala ng Ombudsman ang karapatan ng mga akusado na nakasaad sa Saligang Batas. (JOYCE BALANCIO / UNTV News)
The post Kasong graft vs ex-GSIS officials, dinismiss ng Sandiganbayan appeared first on UNTV News.