Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

17-anyos na lalaki na nabundol ng pampasaherong bus sa QC, tinulungan ng UNTV News and Rescue

$
0
0
Ang pagtulong ng UNTV News and Rescue Team sa binatang nabundol ng bus sa Quezon City nitong Lunes.

Ang pagtulong ng UNTV News and Rescue Team sa binatang nabundol ng bus sa Quezon City nitong Lunes.


QUEZON CITY, Philippines —
Tinulungan ng UNTV News and Rescue ang disi-syete anyos na lalaki na nabundol ng bus sa Northbound EDSA North Avenue alas 11:30 nitong Lunes ng gabi.

Binigyan ng pang-unang lunas ng grupo ang tinamong sugat sa noo, mukha at paa ng biktima na si Hervin Ribuyas at saka isinugod sa Quezon City General Hospital kasama ang kanyang nanay.

Nirespondehan naman ng UNTV News and Rescue ang banggan ng dalawang tricycle sa Barangay Sto. Domingo, Capas, Tarlac pasado alas dose ng madaling araw nitong Martes.

Sugatan ang magkapatid na Anna Marie Sibal at Arman Sibal na pasahero ng tricycle na minamaneho ni Jansen Kabigting.

Nilapatan ng first aid ng grupo ang gasgas sa kanang tagiliran ni Arman at ang mga sugat ni Anna Marie na natanggalan pa ng isang ngipin dahil sa aksidente.

Ang Tarlac-PNP na ang naghatid sa mga biktima sa ospital ning Capas.

Wala namang tinamong pinsala ang dalawang menor de edad na sakay ng tricycle at driver ng kabanggang tricycle.

Samantala banggan naman ng dalawang motorsiklo ang nirespondehan ng UNTV News and Rescue sa kahabaan ng Ouano Avenue, Mandaue City, Cebu pasado alas otso ng umaga ng Martes.

Kaagad na binigyan ng pangunang lunas ng grupo ang malaking sugat sa kanang kamay at gasgas sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ni Cecilo Mojico at saka inihatid sa ospital.

Ang kabanggan naman nito na si Ariel Mojado ay tumanggi ng magpahatid sa ospital matapos malapatan ng first aid ang sugat sa magkabilang tuhod.

Pahayag ng Mandaue Traffic Enforcer na si Jennifer Branzuela, “Go sila tanan puros motor, nag-abot sila diri, ang usa nipadalplin, unya wala naman kabantay ang gasunod, mao toy nahitabo nagkasingkiay gyud sila.”

(Naka-go sila lahat parehong motor, nagkabanggaan sila dito. Ang isa’y kumabig pagilid ngunit hindi namalayan ng kasunod. Yun ang nangyari, nagkagitgitan sila.)

BERNARD DADIS / UNTV News

The post 17-anyos na lalaki na nabundol ng pampasaherong bus sa QC, tinulungan ng UNTV News and Rescue appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481