MANILA, Philippines — Naglabas ng executive order si Pangulong Benigno Aquino III upang maipatupad ang salary adjustment ng mga nasa Government-Owned or Controlled Corporation.
Ang E.O. Number 203 or Adopting a Compensation and Position Classification System (CPCS) ay para sa GOCC sector na sakop ng Republic Act number 10149.
Sa ilalim ng E.O., inaatasan ang Governance Commission for GOCC na ipatupad ang CPCS at bumuo ng Implementing Rules and Regulations kaugnay ng adjustment sa hiring rates, promotions, overtime pay, night shift at iba pang benepisyo na tinatanggap ng GOCC employees.
“Katulad noong naunang EO 201, ito ay magiging batayan para sa pagkakaroon ng salary adjustments ng mga nasa GOCC sector at ang funding ay kukunin sa pondo ng mga kinauukulang korporasyon,” pahayag ni Presidential Communications Operations Office Sec. Herminio “Sonny” Coloma Jr. (NEL MARIBOJOC / UNTV News)
The post Executive order sa salary and compensation adjustments ng mga empleyado ng GOCC, inilabas ng Malakanyang appeared first on UNTV News.