Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pulis na magbabantay sa mga paliparan sa bansa, dinagdagan kasunod ng Brussels terror attack

$
0
0
FILE PHOTO: Isang pulis na may kasamang bomb-sniffing dog sa entrance ng Ninoy Aquino International Airport noong September 01, 2014. (Photoville International)

FILE PHOTO: Isang pulis na may kasamang bomb-sniffing dog sa entrance ng Ninoy Aquino International Airport noong September 01, 2014. (Photoville International)

QUEZON CITY, Philippines — Magdaragdag ng tauhan ang pamunuan ng Philippine National Police sa mga paliparan sa bansa.

Ito kasunod ng nangyaring pambobomba sa airport ng Brussels, Belgium at upang matiyak ang seguridad ng mga biyahero ngayong holiday break.

Ayon kay PNP Spokesman P/CSupt. Wilben Mayor, nakipag-ugnayan na siya kay PNP Aviation Security Group o Avsegroup Director Francisco Balagtas para sa gagawing adjustment sa security set up sa mga airport.

Bukod dito humiling din sila ng karagdagang isang daang tauhan mula sa kanilang training school sa Laguna na ipadadala sa NAIA.

Inatasan na rin ang mga police regional director sa Pilipinas na magdagdag ng pwersa sa mga nasasakupang paliparan.

Sa kasalukuyan ay mayroong mahigit apat na libo at limang daang pnp personnel ang nakatalaga sa mga transportation hub kabilang ang airport, seaport at mga terminal.

(LEA YLAGAN / UNTV News)

The post Pulis na magbabantay sa mga paliparan sa bansa, dinagdagan kasunod ng Brussels terror attack appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481