Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

15 miyembro NPA sa Mindanao, sumurender na may high-powered firearms

$
0
0
Dalawa sa 15 miyembro ng NPA sa Mindanao na nagbalik-loob na sa gobyerno. (Cerilo Ebrano / Photoville International)

Dalawa sa 15 miyembro ng NPA sa Mindanao na nagbalik-loob na sa gobyerno. (Cerilo Ebrano / Photoville International)

DAVAO CITY, Philippines — Labinglimang myembro ng New People’s Army, Militia ng Bayan ang sumurender sa mga militar noong ika-18 ng Marso sa Sitio Diat Palo, Brgy. Napnapan, Pantukan, Compostela Valley.

Ang 1001st Infantry Brigade, kasama ang medical team ng 10th Infantry Division, chaplain ng Pantukan, PNP, DSWD at ilang stakeholder ang tumulong sa kanilang pagbalik-loob sa pamahalaan.

“The realization of peace and development as the true solution, lead these returnees to trust us, the Philippine Army and the Philippine National Police,” pahayag ng commander ng 1001st Brigade na si Col. Macairog Alberto.

“We facilitated on whatever assistance we could extend to the families being identified by the military who surrendered,” ani Rhona Teresa Siojo ng MSWD Pantukan.

Dala-dala ng mga sumukong rebelde ang limang high-powered firearm: isang M60 machine gun, dalawang M16 rifle at dalawang RPG (rocket-propelled grenade), 3 bala ng RPG at isang improvised explosive device (IED).

“Hindi nila alam noong una na may mga dalang high-powered. Talagang sinecure sila kasi. The problem is kapag nag-surrender galing sa kabila, kapag nagdala siya ng gamit, lalo na baril, talagang wanted siya sa loob,” pahayag ni 1st Lt. Rey Vergel Annoqui.

Ang mga nasabing rebelde ay inilikas sa pamamagitan ng air evacuation lalo pa’t may dala dala itong mga armas.

Nagpasya silang isama na rin ang kanilang pamilya, maging ang isang linggong panganak pa lamang na sanggol sa takot na sila’y mabalikan ng kanilang mga dating kasamahan.

Sa kasalukuyan ay umabot na sa 40 ang mga surrenderee na nasa evacuation center.

Una nang sumurender ang 13 myembro ng Militia ng Bayan, kasama rito ay isang menor de edad, sumunod naman ang 2 pang nahikayat na rin na bumaba mula sa bundok.

Ang mga kasamahan di umano nila ay nasa highway ng Pantukan at sa mga panahon na iyon ay nagsasagawa ng isang human barricade na matatandaang nagparalisa sa trapiko ng lungsod.

Ibinibigay naman ni Col. Tubalado ang credit ng pagsuko ng mga rebelde sa kanilang programang Peace and Development Outreach Program o PDOP kung saan katulong ng militar ang ilang ahensya ng pamahalaan at ang sambayanan upang makahikayat ng mga rebelde na mamuhay ng maayos at mapayapa sa mainstream society.

Positibo ang militar na mas marami pang mga miyembro ng rebeldeng grupo ang susunod at magbabalik-loob sa pamahalaan sa darating pang mga araw. (JOEIE DOMINGO / UNTV News)

The post 15 miyembro NPA sa Mindanao, sumurender na may high-powered firearms appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481