Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Sen. JV Ejercito at 19 iba pa, sinampahan ng kasong katiwalian sa Sandiganbayan

$
0
0
FILE PHOTO: Senator Joseph Victor Gomez Ejercito (Willie Sy / Photoville International)

FILE PHOTO: Senator Joseph Victor Gomez Ejercito (Willie Sy / Photoville International)

QUEZON CITY, Philippines — Kasong graft at technical malversation ang kinakaharap ngayon sa Sandiganbayan ni dating San Juan City Mayor at ngayo’y Senator Joseph Victor Ejercito at 19 na iba pa.

Kaugnay ito ng umano’y maanomalyang pagbili ng mga high-powered firearms na nagkakahalaga ng 2.1 million pesos noong 2008.

Kasama sa mga sinampahan din ng kasong illegal use of public funds si dating Vice Mayor Leonardo Celles, dating councilor at kasalukuyang vice mayor ng lungsod na si Francis Zamora, at labindalawa pa.

Sa isinampang kaso, sinabi ng Ombudsman na nagsabwatan ang mga nasabing opisyal upang magamit ang aprubado nang calamity fund sa ibang proyekto.

Kinasuhan din ng Ombudsman ng graft ang dating city administrator, city treasurer at ilan pang miyembro ng bids and awards committee.

Ayon sa Ombudsman, hindi dumaan sa tamang bidding process ang pagbili ng armas dahil pre-selected ang brand at model ng mga armas.

Binigyan din ng unwarranted benefit o pabor ng San Juan ang kumpanyang HK Tactical Defense System Inc. nang ibigay agad rito ang notice of award at purchase order dalawang araw matapos ang bidding.

Sa isang text statement naman na ibinigay ng kampo ng senador, sinabi nitong malinis ang kanyang konsensya.

Aniya, naaayon sa batas ang pagbili nila ng firearms kaya’t walang nakitang iregularidad ang Commission on Audit dito.

Ayon sa senador, politically-motivated ang kaso at pinaghahandaan na ng kanyang mga abogado ang mga susunod na hakbang para iresolba ito.

Sa Biyernes nakatakdang i-raffle ang kaso sa mga division ng Sandiganbayan. P30,000 ang nirerekomendang piyansa ng Ombudsman sa kasong graft habang P6,000 naman ang sa illegal use of public funds. (JOYCE BALANCIO / UNTV News)

The post Sen. JV Ejercito at 19 iba pa, sinampahan ng kasong katiwalian sa Sandiganbayan appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481