Quantcast
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Manny Pacquiao, nangakong hindi bibiguin ang mga Pilipino sa kanyang huling laban kay Timothy Bradley Jr.

Image may be NSFW.
Clik here to view.
FILE PHOTO: Sina Manny Pacquiao at Timothy Bradley Jr. sa kanilang paghaharap nila sa kanilang press conference para sa Pacquiao-Bradley 2 noong April 02, 2014. (Ernesto Ferndandez Jr. / Photoville International)

FILE PHOTO: Sina Manny Pacquiao at Timothy Bradley Jr. sa kanilang paghaharap nila sa kanilang press conference para sa Pacquiao-Bradley 2 noong April 02, 2014. (Ernesto Ferndandez Jr. / Photoville International)

CALIFORNIA, USA — Pinaunlakan ni Filipino boxing champion Manny Pacquiao ang ilang mga international media na makapanayam siya bago ang pagsimula ng kaniyang training dito sa Los Angeles.

Puspusan na ang paghahanda ng ating Pambansang Kamao sa Wild Card Gym para sa kanyang retirement fight laban kay Timothy Bradley Jr. sa susunod na linggo.

Ayon kay Manny, intensyon pa rin niya na ituloy ang pagreretiro matapos laban kay Bradley.

“I’m not tired with boxing, but I made the decision to retire after this fight and focus on serving the people.”

Itinanggi naman ng Coach Freddie Roach na katandaan ang isa sa dahilan ng pagreretiro ni Manny.

“I don’t think that has anything to do with him getting older at this point. He has gotten older a little bit, he hasn’t slowed down too much and I would be the first one to tell him if he did. His speed and his work ethic is still great.”

Ayon kay Manny, asahan na ang mas umaatikabong laban nila ni Bradley kumpara sa huli nilang pagtutunggali.

“We saw that in his last fight and I believe we can create more action in the ring compared to the last fight that we had.”

Nangako rin si Manny, hindi niya bibiguin ang mga Pilipino sa kanyang huling laban.

Nakatakadang magharap sina Pacquiao at Bradley sa pangatlong pagkakataon sa darating na Abril 10 sa MGM Grand Las Vegas. (Christie Rosacia / UNTV News)

The post Manny Pacquiao, nangakong hindi bibiguin ang mga Pilipino sa kanyang huling laban kay Timothy Bradley Jr. appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481