Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Sen. Grace Poe nanguna sa bagong presidential race survey – Pulse Asia

$
0
0
FILE PHOTO: Senator Grace Poe (Photoville International)

FILE PHOTO: Senator Grace Poe (Photoville International)

MANILA, Philippines — Nanguna si Senator Grace Poe sa pre-electoral national survey ng Pulse Asia.

Nakakuha si Poe ng 28 percent, pangalawa at statistically tied naman sina Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Vice President Jejomar Binay, pangatlo si Mar Roxas at pang apat si Senator Miriam Santiago.

Si Poe ang nanguna sa Luzon na may 35 percent, samantalang si Roxas naman ang nanguna sa Visayas Region.

Sina Senators Chiz Escudero at Bongbong Marcos naman ay tabla para sa unang pwesto ng Vice Presidential race survey na may 25 percent, pangalawa si Camarines Sur Representative Leni Robredo, pangatlo si Senator Alan Peter Cayetano, pangapat si Senator Gringo Honasan na may 5 percent at panglima Senator Antonio Trillanes na may 4 percent.

Samantala, nangunguna naman sina Senators Tito Sotto, Frank Drilon at Kiko Pangilinan sa bagong senatorial preferences survey.

Pasok rin sa winning circle sina Lacson, Zubiri, Gordon, Pacquiao, Hontiveros, Osmena, Villanueva, De Lima at Recto.

Nagpapasalamat naman si Poe sa patuloy na suporta sa kaniya ng taumbayan dahil sa muling pangunguna sa presidential survey.

Hindi naman nababahala ang kampo ni VP Binay sa lumabas na bagong survey.

Ayon kay Atty. Rico Quicho, dikit na dikit ang laban ngayon at naniniwala sila na lalakas pa sa survey ang kanilang pambato.

Naniniwala naman ang Liberal Party na mangunguna pa rin ang Mar-Leni tandem sa darating na araw mismo ng halalan.

Ayon naman sa kampo ni Duterte, ang survey ay nagpapakita na nagiging mahigpit na ang labanan ngayong papalapit na ang darating eleksyon.

“Both the recent survey results of SWS and Pulse Asia are indications that everyone is within striking distance. The race is still up for grabs,” ani Leoncio Evasco, ang national campaign manager ni Duterte.

Isinagawa ang survey noong March 15 hanggang 20 sa 4,000 registered voters. (NEL MARIBOJOC / UNTV News)

The post Sen. Grace Poe nanguna sa bagong presidential race survey – Pulse Asia appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481