
Ang jamming ng nanalong interpreter at composer ng “Ang Iyong Pangalan” nitong Linggo. (Madz Milana / UNTV News)
CALOOCAN, Philippines — Siguradong ikatutuwa ng mga kasangbahay na mahilig sa alternative music ang genre ng tinanghal na unang “song of the week” sa buwan ng Abril sa A Song of Praise o ASOP Music Festival ngayong Linggo.
Ang awiting “Ang Iyong Pangalan” ng baguhang kompositor na tubong Tacloban na si Romarico Mendiola Jr. ay nai-classify ng mga huradong sina Soul Diva Jaya, OPM Prince of Ballad Dingdong Vvanzado at Doktor Musiko Mon del Rosario bilang rock ballad o mas kilala bilang slow rock.
“Kasi doon siya nababagay tsaka ‘yun talaga ‘yung genre ko. Mga gano’n na music. Kaya tapos nabagay pa kay Enzo. Ang galing. Alternative din siya… nakita ko sa kanya bagay din ‘yung pagkanta niya,” pahayag ng winning composer Romarico Mendiola Jr.
Bumagay din sa estilo ng vocalist ng bandang Eevee na si Enzo Villegas ang genre ng naturang awit.
“Ang ‘Eevee’ parang alternative din pero ‘yung rock kasi nando’n eh. So, hindi ako masyadong nahirapan… parang in-incorporate ko na rin… in-emphatize ko na rin kung ano ‘yung ano ng composer.”
Dinaig nito sa score ng mga hurado ang mga awiting “Handang Humayo” ni Christopher John Balangatan na inawit ni Cello Nuñez at “My Lord” ng OFW na si Lyza Lyn Pajo na inawit ni Jean Judith Javier. (ADJES CARREON / UNTV News)
The post Rock ballad genre na “Ang Iyong Pangalan”, unang weekly winner sa buwan ng Abril ng ASOP Year 5 appeared first on UNTV News.