Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Kim Wong, nagsauli ng karagdagang P38.28-M sa AMLC

$
0
0
Ang pagsasauli ni Kim Wong ng P38.28-M sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) nitong Lunes, April 04, 2016. (Bangko Sentral ng Pilipinas)

Ang pagsasauli ni Kim Wong ng P38.28-M sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) nitong Lunes, April 04, 2016. (Bangko Sentral ng Pilipinas)

MANILA, Philippines — Muling nagsauli ng pera na nagkakahalaga ng 38.28 million pesos ang junket operator na si Kim Wong sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) ngayong araw ng Lunes, April 04, 2016.

Ayon sa abugado ni Wong na si Atty. Victor Fernandez, ang pera ay inabandona na ni Shuhua Gao sa Midas Casino sa ilalim ng Eastern Hawaii Leisure Company.

Si Gao ang isa sa dalawang Chinese businessman na isinasangkot sa pagpasok ng $81-M laundered money mula sa Bangladesh.

Ang turnover ay sinaksihan nina Exec. Dir. Julia Bacay-Abad, Emmanuel Dooc at Bangladesh Ambassador John Gomes.

Sa ngayon ay isinasaayos pa ng AMLC ang pormal na pag-turnover ng mga na-recover na pera sa Bangladesh government. (UNTV News)

The post Kim Wong, nagsauli ng karagdagang P38.28-M sa AMLC appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481