MANILA, Philippines — Muling naghain ng reklamo ang Securities and Exchange Commission sa Department of Justice laban sa ilang korporasyong sangkot umano sa isang investment scam.
Paglabag sa SEC Regulations Sections 8 at 28 o ang kawalan ng rehistro ang kakaharapin ng Hyper Program International (HPI) Direct Sales; Hyper Program International Holdings Corporation at Business Icon Premier Trading, Incorporated.
Ang mga naturang kumpanya ay sangkot umano sa direct selling ng mga beauty product kung saan nang-eenganyo sila ng mga investor sa pamamagitan ng social media at nangngako ng maibabalik ang kita sa loob lamang ng 30-45 na araw.
Pahayag ni SEC Enforcement & Investor Protection Department Assistant Director Lalaine Monserate, “These companies are getting investments in the public. It’s a Ponzi scheme, actually. It’s an investment scam. Taking investments from the public without again secondary license from the Securities and Exchange Commission.”
Nasa walumpung indibidwal na ang nagreklamo laban sa mga nabanggit na kumpanya.
May multang limang milyong piso o pagkakakulong ng pito hanggang 20 taon ang sinomang mapapatunayang lumabag sa mga regulasyon ng SEC.
Samantala, sinampahan din ng reklamong paglabag sa SEC regulation ang isang ahente ng Emgoldex at 2 pang sister companies nito.
Nauna na ring inireklamo sa DOJ ng SEC ang Emgoldex at 2 pang sister companies nito dahil sa pagkakasangkot sa investment scam.
Babala naman ng SEC, hindi na lamang mga kumpanyang sangkot sa investment scam ang kakasuhan nila, kundi maging ang mga ahente nitong hindi lisensyado.
“This is to deliver a message that anybody who acts as salesman for these companies which are illegally operating, we are also filing cases against them,” ani Director Jose Aquino ng SEC Enforcement and Investor Protection Department. (Darlene Basingan / UNTV News)
The post Ilan pang kumpanyang umano’y sangkot sa investment scam, sinampahan ng reklamo sa DOJ appeared first on UNTV News.