Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Nagbabalik showbiz na si Marcus Madrigal, na-challenge sa kanyang role sa Legally Yours ngayong Miyerkules

$
0
0
Isa sa mga eksena nina Marcus Madrigal at Mel Kimura sa episode ng Legally Yours Atty. G ngayong Miyerkules (LYAG)

Isa sa mga eksena nina Marcus Madrigal at Mel Kimura sa episode ng Legally Yours Atty. G ngayong Miyerkules (LYAG)

QUEZON CITY, Philippines — Hindi akalain ng aktor noong dekada nobenta na si Marcus Madrigal na mabibigyan sya ng isang challenging role sa kanyang pagbabalik showbiz ngayong taon.

Si Marcus ang napiling gumanap sa role ni Enggol, rebeldeng anak ng letter sender na si Aling Sita na ginampanan naman ng character actress na si Mel Kimura sa episode ngayong Miyerkules ng Legally Yours Atty. G.

“Grabe yung ginawa ko dito. Grabe yung pagkatao ko dito. Meron pa pa lang ganung mga anak na binigay nang magulang lahat lahat tapos yung anak bandying bandying lang,” ani Marcus.

Kwento naman ni Mel, “Sobrang bait na nanay [ang role ko dito.] Yung kahit na ano pang pasaway na ginagawa ng anak nya, sige pa rin sya na minsan parang hindi na tama parang nagpaabuso naman sya sa anak nya. Dapat tayong mga magulang medyo dumidisiplina ng anak.”

Kapwa humanga ang mga dalawang artista sa pagkakaroong muli ng ganitong klaseng programa sa telebisyon.

“Maganda yung mga ganito kasi tina-tackle nyo mga nangyayari sa totoong buhay,” pahayag ng gumanap na Enggol.

“Hindi lahat ng tao can afford to go to a lawyer, syempre mahal din yun. Kasi magtatanong ka lang sa lawyer kailangan mo talagang magbayad. Kaya magandang bagay na napapanood ng tao, ay may ganyan pa lang law,” sabi naman ni “Aling Sita”.

Panoorin ang buong istorya ng episode na may pamagat na “Pasaway” ngayong Miyerkules (April 05) sa ganap na alas siete hanggang alas otso ng gabi dito lang sa UNTV. (Adjes Carreon / UNTV News)

The post Nagbabalik showbiz na si Marcus Madrigal, na-challenge sa kanyang role sa Legally Yours ngayong Miyerkules appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481