MANILA, Philippines — Nakaupo pa sa gilid ng kalsada si Gaile Belardo nang maabutan ng UNTV News and Rescue Team sa V. Mapa Street corner Ramon Magsaysay Boulevard matapos masagi ang sinasakyan nyang motorsiklo ng isa ring motorcycle rider pasado alas nueve nitong Lunes ng gabi.
Nilapatan ng pang unang lunas ng grupo si Belardo na nagtamo ng gasgas sa kaliwang siko at saka inihatid sa Ospital ng Sampalok sa Maynila.
Ayon kay Belardo, binabaybay nila ang Ramon Magsaysay Boulevard nang isang motor ang nakasagi sa kanila kaya sila naaksidente.
Sa halip na huminto ay mabilis na tumakas ang nakasaging rider kaya hindi na nakuha ang anumang pagkakakilanlan.
Nirespondehan ng UNTV News and Rescue ang 19-anyos na si Terenz John Dadivo matapos maaksidente ang minamanehong motorsiklo sa Barangay Muzon, San Jose del Monte City, Bulacan pasado kwatro ng hapon, Linggo.
Ayon kay Davido, aksidente niyang nagulungan ang isang bato sa kalsada kaya nawalan ng kontrol sa manibela at sumemplang.
Matapos lapatan ng first aid ang tinamong gasgas sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang pharmacy student na si Davido ay isinugod na ito sa Sapang Palay District Hospital kasama ang pamilya nito. (Benedict Galazan / Nestor Torres / UNTV News)
The post Motorcycle accident sa Maynila at sa Bulacan, nirespondehan ng UNTV News and Rescue appeared first on UNTV News.